BIYERNES, NOBYEMBRE 10, 2023

SHARE THE TRUTH

 7,973 total reads

Paggunita sa Dakilang Papa San Leon, pantas ng Simbahan

Roma 15, 14-21
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Lucas 16, 1-8

Memorial of St. Leo the Great, Pope and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Roma 15, 14-21

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo’y puspos ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalalahanan. Gayunman, sa sulat na ito’y naglakas-loob akong paalalahanan kayo tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kaloob ng Diyos sa akin na maging lingkod ni Kristo Hesus bilang saserdote sa mga Hentil. Ipinangangaral ko sa kanila ang Mabuting Balita ng Diyos upang sila’y maging handog na kalugud-lugod sa kanya, yamang pinabanal ng Espiritu Santo. Kaya’t bilang lingkod ni Kristo Hesus may katwiran akong ipagmapuri ang aking nagawa para sa Diyos. Sapagkat ang pinangangahasan ko lamang banggitin ay ang ginawa ni Kristo upang maakit ang mga Hentil sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, sa tulong ng mga tanda at kababalaghan, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kaya’t sa lahat ng lupain, mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico ay ipinangaral ko ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo. Ang hangad ko’y ipangaral ito sa mga dakong hindi pa kilala si Kristo, upang hindi ako mangaral sa napangaralan na ng iba. Ganito ang sinasabi ng kasulatan,

“Makakikilala ang hindi pa nakababalita tungkol sa kanya. Makauunawa ang hindi pa nakaririnig tungkol sa kanya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

ALELUYA
1 Juan 2, 5

Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng D’yos Ama
ang sumunod sa Anak n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 16, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya at tinatanong: ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa inyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.’ Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. A, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una, ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama na tumawag sa atin upang maging mga tapat na tagapangalaga tayo sa paggamit ng mga biyaya ng daigdig para sa kabutihan ng lahat.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y maging mulat sa kanyang responsibilidad na isulong ang katarungang panlipunan sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging karapat-dapat sa pagtitiwala ng mga tao at huwag magnais ng makasariling kabutihan sa kanilang pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may patrabaho at ang mga manggagawa nawa’y maging tapat at magalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyan ng biyaya ng pagtitiis sa kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y umani ng bunga ng kanilang pagpapagal sa walang hanggang Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming mga tapat mong tagapangalaga ng iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,221 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 7,722 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 7,310 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 33,222 total reads

 33,222 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 69,126 total reads

 69,126 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,961 total reads

 122,961 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,882 total reads

 184,882 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,622 total reads

 252,622 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Agosto 14, 2026

 251 total reads

 251 total reads Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria Pagmimisa sa Bisperas 1 Cronica 15, 3-4. 15-16; 16, 1-2 Salmo 131,

Read More »

Huwebes, Agosto 13, 2026

 1,633 total reads

 1,633 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 3,262 total reads

 3,262 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,995 total reads

 4,995 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,736 total reads

 6,736 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top