SABADO, NOBYEMBRE 11, 2023

SHARE THE TRUTH

 7,393 total views

Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo

Roma 16, 3-9. 16. 22-27
Salmo 144, 2-3. 4-5. 10-11

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Lucas 16, 9-15

Memorial of St. Martin of Tours, BishopΒ (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Roma 16, 3-9. 16. 22-27

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila, mga kamanggagawa ko kay Kristo Hesus. Sumuong sila sa panganib upang mailigtas ang aking buhay; at hindi lamang ako ang nagpapasalamat kundi pati ang mga simabahan ng mga Hentil. Ikumusta rin ninyo ako sa simbahang nagtitipon sa bahay ng mag-asawang ito.

Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa kaibigan kong si Epeneto, ang unang sumampalataya kay Kristo doon sa Asia, at kay Maria, na nagpakahirap para sa inyo. Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Adronico at Junia, na nakasama ko sa bilangguan; sila’y kilala ng mga apostol at naunang naging Kristiyano kaysa akin.

Ikumusta ninyo ako kay Ampliato na aking minamahal sa Panginoon, kay Urbano, na kamanggagawa natin kay Kristo, at sa kaibigan kong si Estaquis.

Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo. Binabati kayo ng lahat ng mga simbahan ni Kristo.

Akong si Tercio, na sumulat ng liham na ito, ay bumabati rin sa inyo sa pangalan ng Panginoon.

Kinukumusta kayo ni Gayo na tinutuluyan ko – sa bahay niya nagtitipon ang buong simbahan. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng ating kapatid na si Cuarto.

Nawa’y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo. Amen.

Purihin ang Diyos na makapagpapatibay sa inyo sa pamamagitan ng Mabuting Balita tungkol kay Hesukristo na ipinangangaral ko sa inyo. Ang Mabuting Balitang iyan ay isang hiwaga na nalihim sa loob ng mahabang panahon, at sa utos ng walang hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa mga Hentil upang sila’y manalig at tumalima kay Kristo. Ang lahat ng iyan ay ayon sa mga sulat ng mga propeta.

Sa iisang Diyos, ang marunong sa lahat – sa kanya iukol ang papuri magpakailanman sa pamamagitan ni Hesukristo! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 10-11

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang β€˜yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Pupurihin ko ang ngalan
ng Poon magpakailanman.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 16, 9-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, β€œKaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo magpagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

β€œWalang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”

Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Hesus, sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya’t sinabi niya sa kanila, β€œKayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Pinagkakatiwalaan tayo ng Diyos ng mga biyayang magagamit para sa kanyang kaluwalhatian at kabutihan ng kapwa. Idalangin natin na maging responsable nawa tayo sa lahat ng ito at maging karapat-dapat sa kanyang pagtitiwala.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, bigyang-lakas mo kami sa iyong pamamaraan.

Bilang Simbahan, tayo nawa’y maging mapagkakatiwalaan sa ating paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging responsable at tapat sa paggamit ng mga ari-arian ng gobyerno, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapaglabanan ang pagkagahaman sa pamamagitan ng pagiging mapagbigay araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at maysakit nawa’y tumanggap ng suporta mula sa mga mapagmalasakit at mabuting-loob na mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang yaman ng kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming huwag na matangay ng tukso ng salapi bagkus hanapin ang tunay na kayamanan ng iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 29,038 total views

 29,038 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More Β»

VP Sara

 51,043 total views

 51,043 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More Β»

Itigil ang pagdanak ng dugo

 75,385 total views

 75,385 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.Β  Mahigit anim na raang residente

Read More Β»

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 99,021 total views

 99,021 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More Β»

Instrumento ng karahasan

 132,626 total views

 132,626 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More Β»

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 3, 2026

 995 total views

 995 total views Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More Β»

Sabado, Mayo 2, 2026

 995 total views

 995 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas.

Read More Β»

Biyernes, Mayo 1, 2026

 5,065 total views

 5,065 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More Β»

Huwebes, Abril 30, 2026

 7,329 total views

 7,329 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kayaΒ Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More Β»

Miyerkules, Abril 29, 2026

 8,735 total views

 8,735 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More Β»

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top