HUWEBES, NOBYEMBRE 16, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,820 total reads

Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Margarita ng Escosia
o kaya Paggunita kay Santa Gertrudes, dalaga

Karunungan 7, 22 – 8, 1
Salmo 118, 89. 90. 91. 130. 135. 175

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Lucas 17, 20-25

Wednesday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Margaret of Scotland, Queen (White)
or Optional Memorial of St. Gertrude, Virgin (White)

UNANG PAGBASA
Karunungan 7, 22 – 8, 1

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal.
Iisa ang kanyang kalikasan ngunit napagkikilala sa maraming paraan.
Siya’y dalisay at walang katawang materyal, at malayang magparoo’t parito;
malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala;
maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig.

Ang Karunungan ay mapagkawanggawa, mabait,
matatag, tiyak, hindi nababalisa,
makapangyarihan at nakikita ang lahat ng bagay.
Ang Karunungan ay laganap sa lahat ng diwang matalino, matalas at dalisay.

Pagkat ang Karunungan ay mas maliksi kaysa damdamin,
at dahil sa kanyang kadalisayan, siya’y laganap sa lahat ng bagay.
Siya ay tilamsik ng kapangyarihan ng Diyos,
maningning na silahis ng kanyang kaluwalhatian.
Kaya walang marumi na makalalapit sa kanya.

Siya ay sinag ng walang hanggang liwanag,
salaming kinababakasan ng mga gawa at kabutihan ng Diyos.
Bagamat nag-iisa ang Karunungan, magagawa niya ang lahat ng bagay,
at bagaman siya’y hindi nagbabago, nababago niya ang lahat ng bagay.
Sa lahat ng salinlahi, siya’y lumalagay sa mga banal,
at ang mga ito’y ginagawa niyang mga propeta at mga kaibigan ng Diyos.
Walang pinakamamahal ang Diyos nang higit pa sa mga taong nawiwili sa Karunungan.

Ang Karunungan ay mas maganda kaysa araw,
higit ang kagandahan kaysa mga bituin, at higit pa sa liwanag.
Sapagkat ang liwanag ay nahahalinhan ng dilim,
ngunit ang Karunungan ay di nalulupig ng masama kailanman.
Ang lakas niya’y abot sa lahat ng sulok ng daigdig.
At maayos na pinamamahalaan ang lahat ng bagay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 89. 90. 91. 130. 135. 175

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Ang salita mo, O Poon, di kukupas, walang hanggan,
matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago,
ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,
alipin mo silang lahat at sa iyo’y naglilingkod.

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Sa buhay ko’y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,
at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

Upang ako ay magpuri, ako’y bigyan mo ng buhay,
matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.

Walang hanggan, Poong Diyos,
Salita mong tumutubos.

ALELUYA
Juan 15, 5

Aleluya! Aleluya!
Ako’y puno, kayo’y sanga;
kapag ako ay kaisa,
kayo’y t’yak na mamumunga.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 20-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, si Hesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan itatatag ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay walang makikitang palatandaan. At wala ring magsasabing nagsisimula na roon o rini. Sapagkat ang totoo’y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya.”

At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahong hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo makikita iyon. At may magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o, ‘Narini siya!’ Huwag kayong pumunta upang siya’y hanapin. Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao’y darating na parang kidlat. Ngunit kailangan munang magbata siya ng maraming hirap, at itakwil ng mga tao sa ngayon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo nang may ganap na pananalig sa Panginoon ng buhay na naghihintay sa atin sa dulong hangganan ng daan ng buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sumaamin nawa ang Iyong paghahari, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y palagiang ihanda ang mga tao sa pagtanggap kay Kristo sa kanyang pagbabalik, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagpapasyang kumilos para sa katarungan at kapayapaan, ang mga Kristiyano nawa’y pagbuklurin ang lahat ng tao nang sama-sama sa pananampalataya at pag-asa, at ihanda sila sa muling pagdating ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga trahedya, gawa man ng tao o ng kalikasan, nawa’y hindi magpaligalig o magpahina ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tanggapin si Jesus sa kanilang mga puso at makita siyang kasa-kasama nila sa kanilang dinaranas na mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga yumao nawa’y mapalaya mula sa mga suliranin ng mundong ito at lumigaya sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, laging kang malapit sa amin. Alam mo ang aming mga pangangailangan, higit pa sa aming pagkabatid. Tulungan mo kaming maging mulat sa iyong presensya ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

BLIND GUIDES

 8,653 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 9,421 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 82,390 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,391 total reads

 82,391 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,721 total reads

 116,721 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,021 total reads

 152,021 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,291 total reads

 378,291 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,300 total reads

 267,300 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 18, 2026

 487 total reads

 487 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 2,426 total reads

 2,426 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 4,090 total reads

 4,090 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 5,693 total reads

 5,693 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 7,006 total reads

 7,006 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top