Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, NOBYEMBRE 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,639 total views

Sabado ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Catalina ng Alexandria, dalaga at martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

1 Macabeo 6, 1-13
Salmo 9, 2-3. 4 at 6. 16b at 19

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

Lucas 20, 27-40

Saturday of the Thirty-third Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Catherine of Alexandria, Virgin and Martyr (Red)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
1 Macabeo 6, 1-13

Pagbasa mula sa Unang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, naglalakbay ang Haring Antioco sa mga lalawigan sa loob ng bansa. Nabalitaan niya na may lungsod na tinatawag na Elimain sa Persia. Bantog ito sa kayamanan sa pilak at ginto. Hindi lamang iyon, pati ang templo roon ay maraming kayamanan, tulad ng mga gintong helmet, baluti, at mga sandata. Ang mga ito ay iniwan doon ni Alejandrong anak ni Haring Felipe ng Macedonia, ang kauna-unahang hari sa Grecia. Sa paghahangad ni Antiocong matamo ang mga kayamanang ito, binalak niyang lusubin ang lungsod. Ang balak na ito ay umabot sa kaalaman ng mga tagaroon. Nabigo ang kanyang panukala, sapagkat nilabanan siya ng mga tagaroon. Malungkot siyang umurong at nagbalik sa Babilonia.

Nasa Persia ang Haring Antioco nang may magbalita sa kanya na napipilan at umurong ang mga hukbong pinasalakay sa Judea. Nabalitaan din niya na si Lisias at ang malaking hukbo nito ay napaurong din ng mga Israelita. Anupat ang mga Israelita’y bantog na sa lakas dahil sa nabihag nilang mga tauhan at kagamitan ng mga hukbong kanilang nalupig. Umabot din sa kaalaman niya na inalis na ang tinatawag niyang Kalapastanganang Walang Kapantay na inilagay niya sa altar sa Jerusalem at ang templo ay pinaligiran ng mataas na pader; pati ang kanyang lungsod ng Bet-sur ay iginawa ng kuta.

Sa mga balitang ito’y natakot ang hari at lubhang nabahala. Bunga ng kanyang mga kabiguan siya’y nagkasakit at naratay sa banig ng karamdaman. Maraming araw na nanaig sa kanya ang matinding kalungkutan, hanggang sa maramdaman niyang malapit sa siyang mamatay.

Dahil dito, tinawag niya ang lahat niyang mga kaibigan at ganito ang sinabi, “Matagal na akong di makatulog dahil sa pag-aalala. Naitatanong ko sa aking sarili kung bakit ko dinaranas ang ganitong kahirapan. Alam naman ninyong hindi ako mahigpit sa aking pamamahala. Ngunit naalaala ko ang aking masamang ginawa sa Jerusalem. Inalis kong lahat ang mga kagamitang pilak at ginto sa templo, at ipinapatay ko ang mga mamamayan ng Judea kahit walang dahilan. Alam kong ito ang dahilan ng aking mga kahirapan. Ngayon, ako’y mamamatay sa ibang lupain.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 9, 2-3. 4 at 6. 16b at 19

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

O Panginoon ko, buong puso kitang pasasalamatan,
ang kahanga-hangang ginawa mo, Poon, aking isasaysay;
dahilan sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,
pupurihin kita, Panginoon naming Kataas-taasan.

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

Makita ka lamang ay nagsisiurong ang aking kaaway,
dahilan sa takot, sila’y nadarapa, hanggang sa mamatay.
Iyong hinatulan yaong mga Hentil at mga balakyot,
alaala nila balat ng lupa’y pinawi mong lubos.

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

Itong mga Hentil, nahulog sa hukay na ginawa nila,
sa kanilang bitag na umang sa akin, ang nahuli’y sila.
Di habang panahon na pababayaan ang nangaghihirap,
maging mga api, may bagong pag-asa na muling sisikat.

Poon, pupurihin kita
sapagkat ako’y ligtas na.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 20, 27-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila, “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?”

Sumagot si Hesus, “Sa buhay na ito, ang lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Napakamaluwalhati ng kapayapaan at pag-asa sa Muling Pagkabuhay! Manalangin tayo nang may pusong malaya mula sa hangal na pag-aalinlangan at pagdududa sapagkat nananalig tayo sa pangako ni Jesus na Muling Nabuhay para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng buhay, dinggin Mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpatuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay at ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, nawa’y maihatid natin ang liwanag ng bagong pag-asa sa mga nabubuhay sa kadiliman at kawalang pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha, mga walang tahanan, at mga nangangailangan nawa’y madama ang Panginoon ng Buhay sa pamamagitan ng pag-ibig at kagandahang-loob ng mga mabubuti sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, at yaong mga nagdurusa nawa’y matagpuan ang mapagpagaling na presensya ni Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa tiyak na pag-asa ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng mga buhay, bigyan nawa kami ng Eukaristiyang ito ng paghangad sa walang hanggang Hapag, na iyong inihanda sa aming kung saan malulugod kami sa kaligayahan ng iyong presensya magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 146,131 total views

 146,131 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 190,671 total views

 190,671 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 222,064 total views

 222,064 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 237,776 total views

 237,776 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 259,552 total views

 259,552 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Pebrero 3, 2026

 771 total views

 771 total views Martes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Blas, obispo at martir o kaya San Anscar (Oscar), martir 2

Read More »

Lunes, Pebrero 2, 2026

 946 total views

 946 total views Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo Malakias 3, 1-4 Salmo 23, 7. 8. 9. 10. D’yos na makapangyariha’y dakilang hari

Read More »

Linggo, Pebrero 1, 2026

 948 total views

 948 total views Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Sofonias 2, 3; 3, 12-13 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mga aba ay mapalad, D’yos ang

Read More »

Martes, Setyembre 30, 2025

 88,654 total views

 88,654 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 88,858 total views

 88,858 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top