Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, DISYEMBRE 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 9,919 total views

Ika-18 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Jeremias 23, 5-8
Salmo 71, 2. 12-13. 18-19

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Mateo 1, 18-24

18th of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 23, 5-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Nalalapit na ang araw,” sabi ng Panginoon, “na pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: ‘Ang Panginoon ay Matuwid.’”

Sinasabi ng Panginoon, “Darating nga ang panahon na ang mga tao’y di na manunumpa nang ganito: ‘Nariya’t buhay ang Panginoong nagpalaya sa Israel mula sa Egipto.’ Sa halip, sasabihin nila, ‘Saksi ko ang Panginoon na nagpalaya sa mga Israelita mula sa lupain sa hilaga at sa lahat ng lupaing pinagtapunan ko sa kanila. Babalik sila sa sariling lupa at doon muling mamumuhay.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2; 12-13. 18-19

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran,
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,
lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap;
sa ganitong mga tao siya’y lubhang nahahabag;
sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Ang Poong Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;
ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa.
Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman,
at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan! Amen! Amen!

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Namumuno ng Israel,
nagbigay-utos sa amin,
halina’t kami’y sagipin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 1, 18-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
“Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki,
At tatawagin itong “Emmanuel,”
ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos”.

Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikatlong Araw

Pinangangalagaan tayo tuwina ng Diyos at lahat ng ginagawa Niya ay para sa ating kabutihan. Ihabilin natin ngayon ang ating sarili at ang buong sangkatauhan sa Kanyang masuyuing pagkalinga. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa lahat ng Kristiyano: Habang naghahanda tayong magdiwang sa kapanganakan ni Hesus, mapagtuunan nawa natin ang anumang nagbubuklod, at hindi ang naghahati-hati sa atin. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at mga pinunong espirituwal sa ating pamayanan: Nawa’y maging inspirasyon sila ng kanilang mga kawan sa kanilang sipag at sigasig. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng bansa at mga samahang pandaigdig: Nawa’y patnubayan ang kanilang mga plano at gabayan sila tuwina ng mga prinsipyo ng kapatiran, pagkakaisa, at pagkakawanggawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng magulang ng mga bata: Nawa’y pangatawanan nila ang kanilang pananagutan bilang magiliw na kasama ng kani-kanilang mga kabiyak, at kasangkapan ng kalinga ng Diyos sa kanilang mga anak, sa pagtulad sa halimbawa ni San Jose. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat na nagkakatipon dito upang ihanda ang ating mga puso para sa pagdating ni Hesus: Nawa’y maging bukal ng inspirasyon at pagkakaisa para sa lahat ang magandang halimbawa ng ating buhay mag-anak. Manalangin tayo!

Para sa mga may kapansanang malubha at pangmatagalan, maging tampulan nawa sila ng atensyon at kalinga ng lipunan, manalangin tayo.

Panginoong Diyos at Ama ng lahat, ipagkaloob Mo ang Iyong pagpapala sa aming lahat ng nilikha mo ayon sa iyong wan- gis. Aliwin ang mga nahahapis, bigyan Mo ng pag-asa ang mga nag-aagaw-buhay, at pagkalooban Mo kaming lahat ng kapayapaan at biyaya sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 42,741 total views

 42,741 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 63,806 total views

 63,806 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 86,828 total views

 86,828 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 125,289 total views

 125,289 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hunyo 27, 2026

 1,262 total views

 1,262 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 2,810 total views

 2,810 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 4,190 total views

 4,190 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 5,057 total views

 5,057 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 5,405 total views

 5,405 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top