Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,113 total views

Ang Mabuting Balita, 11 Disyembre 2023 – Lucas 5: 17-26

TUNAY NA NAKAKAKITA

Minsan nang nagtuturo si Jesus, naroon din ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na mula sa mga bayan ng Galilea at Judea, at sa Jerusalem. At sumasakanya ang kapangyarihan ng Panginoon upang magpagaling ng mga maysakit. May dumating na ilang tao, dala ang isang paralitikong nasa higaan. Nagpipilit silang makapasok sa bahay upang mailagay sa harapan ni Jesus ang maysakit, subalit wala silang maraanan dahil sa dami ng tao. Kaya’t umakyat sila sa bubungan at binutas iyon, saka inihugos sa harapan ni Jesus ang paralitikong nasa higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”

Sa loob-loob ng mga eskriba’t Pariseo: “Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinagot niya sila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko ‘Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan’ o ang sabihing ‘Tumindig ka at lumakad’? Patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Iniuutos ko: tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi ka!”

Pagdaka’y tumindig ang tao sa harapan ng lahat, binuhat ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos. Nanggilalas sila at tigib ng takot na nagpuri sa Diyos. “Nakakita kami ngayon ng mga kahanga-hangang bagay!” wika nila.

————

Lubhang makapangyarihan at makabagbag-damdamin ang eksenang ito: ang paralitiko na nasa higaan ay ibinababa mula sa bubungan upang tiyakin na siya ay mapupunta sa harapan ni Jesus sapagkat nais ng mga nagsumikap na iakyat siya at ibaba na siya ay tiyak na mapagaling; at pagkatapos, sinabihan ni Jesus ang maysakit na tumayo, buhatin ang kanyang higaan at maglakad, at ito’y ginawa niya na parang hindi siya nanggaling sa sakit. Ngunit, gaano mang makapangyarihan at makabagbag-damdamin ang eksena, hindi ito napansin ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan sapagkat noong narinig nilang unang sinabi ni Jesus, “Kaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan,” nag-isip na sila na ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad, kaya’t walang karapatan si Jesus magsalita ng ganito.

Kung minsan, katulad natin ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Hindi tayo nakakakita ng mga himala sapagkat masyado tayong nakatuon sa mga legalidad. Nakakaawang buhay ang hindi makakita ng maganda at mga himala sa ating kapaligiran, lalo na ang mga biyaya na tinatanggap natin sa Diyos araw araw sapagkat kailangang mapatunayan muna na mayroong ngang Diyos. Nakakaawa kung mayroon tayong mga mata ngunit hindi nakakakita! Napakapalad natin kung tayo ay TUNAY NA NAKAKAKITA!

Salamat, Panginoon, sa pagtulong mo sa amin na makita ka!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 95,957 total views

 95,957 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 139,565 total views

 139,565 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 221,684 total views

 221,684 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 231,005 total views

 231,005 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SHAMEFUL

 9,830 total views

 9,830 total views Gospel Reading for May 11, 2026 – John 15: 26 – 16: 4a SHAMEFUL Jesus said to his disciples: “When the Advocate comes

Read More »

EXTRAORDINARY PRIVILEGE

 10,151 total views

 10,151 total views Gospel Reading for May 10, 2026 – John 14: 15-21 EXTRAORDINARY PRIVILEGE Jesus said to his disciples: “If you love me, you will

Read More »

“SUPER MANANG/MANONG”

 10,261 total views

 10,261 total views Ang Mabuting Balita, 09 Mayo 2026 – Juan 15: 18-21 “SUPER MANANG/MANONG” Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung

Read More »

PERFECTLY

 11,488 total views

 11,488 total views Gospel Reading for May 08, 2026 – John 15: 12-17 PERFECTLY Jesus said to his disciples: “This is my commandment: love one another

Read More »
Scroll to Top