MARTES, ENERO 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 8,425 total views

Paggunita kina Dakilang San Basilio at San Gregorio Nasianseno,
mga Obispo at Pantas ng Simbahan

1 Juan 2, 22-28
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Juan 1, 19-28

Memorial of Saints Basil the Great and Gregory Nazianzen, Bishops and Doctors of the Church (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 22-28

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, sino ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama’y sasakanya.

Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. At ito ang ipinangako sa atin ni Kristo: buhay na walang haggan.

Ang isinulat ko sa inyo ay ang tungkol sa mga nagnanasang magligaw sa inyo. Ang Espiritu’y ipinagkaloob na ni Kristo sa inyo. At habang siya’y nananatili sa inyo, hindi na kailangang turuan kayo ninuman. Ang Espiritu ang nagtuturo sa inyo sa lahat ng bagay, at totoo ang itinuturo niya – hindi kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Kristo.

Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya at hindi tayo mahiya sa kanya sa araw na yaon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

ALELUYA
Hebreo 1, 1-2

Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 19-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang saserdote at Levita upang itanong kung sino siya, sinabi ni Juan ang katotohanan. Sinabi niyang hindi siya ang Mesias. “Kung gayo’y sino ka?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?” “Hindi po,” tugon niya. “Ikaw ba ang Propetang hinihintay namin?” Sumagot siya, “Hindi po.” “Sino ka kung gayun?” Tanong nila uli. “Sabihin mo sa amin para masabi namin sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Sumagot si Juan, “Ako ‘Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’” Ang Propeta Isaias ang maysabi nito. Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbibinyag, hindi pala naman ikaw ang Mesias, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sumagot siya, “Ako’y nagbibinyag sa tubig, ngunit nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, subalit hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.” Ito’y nangyari sa Betania, sa ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 2

Itinuring ni Juan Bautista ang kanyang sarili na hindi karapat-dapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Sa kabila nito, tinupad niya ang kanyang misyon sa diwa ng paglilingkod at kababang-loob. Taglay ang ganitong diwa, lumapit tayo sa Ama upang tulungan niya tayo sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, lukuban nawa kami ng Iyong Espiritu.

Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y tumupad sa kanilang tungkulin nang may pagpapakumbaba at kabutihang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may katungkulan sa pamahalaan nawa’y magtaglay ng tapat na hangaring kumilos para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan at hanapin ang ikabubuti ng lahat sa halip na unahin ang pansarili nilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging inspirasyon ng mga kabataan at mag-aaral at mahikayat sila sa pagtitiyaga at pagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan at pagkabigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kapanatagan ng loob sa pamamagitan ng ating pagmamahal at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na, ay makatagpo nawa ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, sa pamamagitan ni San Juan, tinuturuan mo kaming maging mga abang lingkod. Loobin mo na matularan namin ang kanyang halimbawa upang makasalo kami sa iyong buhay sa Kaharian kung saan ikaw ang Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 167,872 total views

 167,872 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 189,982 total views

 189,982 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 262,439 total views

 262,439 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 252,968 total views

 252,968 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Abril 11, 2026

 5,599 total views

 5,599 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 10, 2026

 7,624 total views

 7,624 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 9, 2026

 7,628 total views

 7,628 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 8, 2026

 5,216 total views

 5,216 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Sabado, Marso 7, 2026

 13,030 total views

 13,030 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top