Deboto ng Poong Hesus Nazareno, tinawagang isabuhay ang disiplina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,240 total reads

Isabuhay ang disiplina at pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng kapwa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ito ang paalala ni Father Rufino ‘Jun’ Sescon – Rector at Parish Priest ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene sa paggunita ng kapistahan kung saan idadaos ang panunumbalik ng nakagawiang Traslacion.

Ayon sa Pari, bilang mga mananampalataya at deboto ng itim na Nazareno ay kaakibat nito ang responsibilidad na isabuhay ang maayos, mapayapa at ligtas na kapistahan.

“Sa lahat ng mga deboto, sa lahat din ng gawain mapasa-Quirino grand stand, sa Quiapo at sa Traslacion, ang tunay na deboto ay may disiplina, may malasakit, ang pagpapahayag ng ating pananampalataya ay dapat nakakatulong din sa ating kapwa at iwasan po natin ang makasakit, iwasan po natin ang magkaroon ng mga disgrasya kaya’t tayo po sana’y makipagtulungan, sumunod sa mga alituntunin sapagkay itong lahat din ay para din naman sa kapakanan ng nakakarami,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Sescon.

Nagpasalamat naman ang Pari sa mga volunteers, uniformmed personnels ng pamahalaan at media personnel sa pakikiisa sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Bilang pagkilala ay idinaos noong January 06 2023 ang ‘Mass for Volunteers’ sa Quirino Grand Stand kung saan binasbasan ang mga volunteers at uniformmed personnel sa pangunguna ni Fr.Sescon.

“Pinapabatid ng simbahan ang taos pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor Honey Lacuña Pangan at sa lahat ng mga kapulisan natin at iba pang mga volunteer groups, at iba pang mga lingkod simbahan sapagkat ito ay sama-samang gawain para sa karangalan ng ating Nuestra Padre Hesus Nazareno kaya nga’t hilingin natin ang pagbabasbas at proteksyon ng ating Panginoon upang ang lahat ng ating gagawin ay maging banal, ligtas at maayos,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Sescon

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,872 total reads

 11,872 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,189 total reads

 68,189 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 153,555 total reads

 153,555 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,291 total reads

 200,291 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,163 total reads

 248,163 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,747 total reads

 348,747 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,873 total reads

 11,873 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top