FFW, nakikiisa sa NAZARENO 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,948 total reads

Simbolo ang Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng walang hanggang pagmamahal ng sanlibutan kay Hesus at pagtataguyod ng katarungan sa lipunan.
Ito ang mensahe ni Federation of Free Workers National President Atty.Sonny Matula sa paggunita ng kapistahan na ngayong taon ay ginugnita sa temang “Ibig naming makita si Hesus”.

“Ang pagdiriwang na ito ay isang simbolikong paggunita sa pag-ibig at sakripisyo ni Hesukristo, na makikita sa Juan 3:16 – isang talata na nagpapakita ng walang kapantay na pagmamahal ng Diyos. Ang Traslación ay sumasalamin sa paglalakbay ni Hesus sa lupa, ang kanyang karanasan sa Kalbaryo, at ang kanyang walang kapantay na sakripisyo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ito ay kinakatawan ng imahen ni Hesus na naglalakad ng walang sapin sa paa, pasan ang krus patungong Bundok ng Kalbaryo.” ayon sa mensahengipinadala sa Radio Veritas ni Atty. Matula.

Kasabay ito ng katiyakan na lalahok sa Traslacion ang marami sa mga kasaping hanay ng FFW.

Ito ay bilang pagpapahayag ng pasasalamat ng mga manggagawa at pinaigting na pananalangin upang makamit ng sektor ang isinusulong na apela.

“Ang Traslación ay hindi lamang isang engrandeng selebrasyon; ito ay isang pagkakataon para sa Simbahang Katoliko na palalimin ang pananampalataya ng mga deboto kay Kristo. Narig ko kay Msgr. Jose Clemente Ignacio, rector ng Minor Basilica ng Itim na Nazareno, ang Traslación ay pangunahing tungkol sa paglipat ng imahen ng Itim na Nazareno, na nasa Pilipinas na ng mahigit 400 taon.” ayon pa sa mensahe ni Atty. Matula na ipinadala sa Radio Veritas.

Bilang isang abogado ay inalala rin ni Matula ang pakikiisa sa Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno noong Dekada ’90 bilang isang estudyante upang iparating sa Panginoon ang mga panalangin na makapasa at maging huwarang abogado sa kanilang larangan.

Ngayong taon ay magbabalik ang nakagawiang Traslacion kung saan patuloy ang paalala ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa mga minimum health protocols upang makaiwas mula sa banta ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,863 total reads

 10,863 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,602 total reads

 66,602 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,968 total reads

 151,968 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,704 total reads

 198,704 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,576 total reads

 246,576 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,250 total reads

 347,250 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,864 total reads

 10,864 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top