Deboto ng Poong Hesus Nazareno, tinawagang isabuhay ang disiplina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,077 total views

Isabuhay ang disiplina at pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng kapwa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ito ang paalala ni Father Rufino ‘Jun’ Sescon – Rector at Parish Priest ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene sa paggunita ng kapistahan kung saan idadaos ang panunumbalik ng nakagawiang Traslacion.

Ayon sa Pari, bilang mga mananampalataya at deboto ng itim na Nazareno ay kaakibat nito ang responsibilidad na isabuhay ang maayos, mapayapa at ligtas na kapistahan.

“Sa lahat ng mga deboto, sa lahat din ng gawain mapasa-Quirino grand stand, sa Quiapo at sa Traslacion, ang tunay na deboto ay may disiplina, may malasakit, ang pagpapahayag ng ating pananampalataya ay dapat nakakatulong din sa ating kapwa at iwasan po natin ang makasakit, iwasan po natin ang magkaroon ng mga disgrasya kaya’t tayo po sana’y makipagtulungan, sumunod sa mga alituntunin sapagkay itong lahat din ay para din naman sa kapakanan ng nakakarami,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Sescon.

Nagpasalamat naman ang Pari sa mga volunteers, uniformmed personnels ng pamahalaan at media personnel sa pakikiisa sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Bilang pagkilala ay idinaos noong January 06 2023 ang ‘Mass for Volunteers’ sa Quirino Grand Stand kung saan binasbasan ang mga volunteers at uniformmed personnel sa pangunguna ni Fr.Sescon.

“Pinapabatid ng simbahan ang taos pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor Honey Lacuña Pangan at sa lahat ng mga kapulisan natin at iba pang mga volunteer groups, at iba pang mga lingkod simbahan sapagkat ito ay sama-samang gawain para sa karangalan ng ating Nuestra Padre Hesus Nazareno kaya nga’t hilingin natin ang pagbabasbas at proteksyon ng ating Panginoon upang ang lahat ng ating gagawin ay maging banal, ligtas at maayos,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Sescon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 17,916 total views

 17,916 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 27,280 total views

 27,280 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 53,736 total views

 53,736 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 103,738 total views

 103,738 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 107,941 total views

 107,941 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top