No smoking at No littering, panawagan sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,133 total views

Patuloy ang panawagan ng EcoWaste Coalition upang isulong ang mahigpit na pagsunod sa ‘No smoking, No littering’ sa Quirino Grandstand sa Rizal Park kaugnay sa Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno o Nazareno 2024.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, patuloy ang pagdagsa ng mga deboto at mananampalataya sa Quirino Grandstand upang pumila sa tradisyonal na ‘Pahalik’ sa Poong Nazareno.

Sinabi ni Tolentino na kasabay ng pagpapahayag ng pananampalataya sa Poong Nazareno, ay ipakita rin nawa ng mga deboto ang paggalang sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-iwas sa paglikha ng mga basura at polusyon.

“As Black Nazarene devotees line up for the traditional ‘Pahalik’ at the Quirino Grandstand, we appeal to everyone to be considerate and refrain from smoking and littering in Metro Manila’s largest urban park. Keeping Rizal Park and the entire Traslacion smoke- and litter-free will be a huge challenge, but we remain hopeful that it can be achieved with the devotees leading the way.” apela ni Tolentino.

Inaasahang nasa humigit-kumulang dalawang milyong mananampalataya ang bibisita sa Quirino Grandstand lalo na sa Enero 9 upang makilahok sa vigil, programa, at Fiesta Mayor, na susundan ng Traslacion ng Poong Nazareno patungo sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.

Magugunita sa huling Traslacion noong 2020 bago lumaganap ang coronavirus pandemic, naobserbahan ng EcoWaste Coalition ang mga basurahan sa paligid ng Rizal Park na puno ng magkakahalong mga basura tulad ng single-use plastic, food containers, at mga upos ng sigarilyo.

Iginiit naman ni Tolentino na hindi lamang sa Quirino Grandstand dapat panatilihin ang kalinisan, kundi maging sa Quiapo Church kung saan patuloy na isasagawa ang mga Banal na Misa para sa kapistahan.

Dagdag pa nito na ang pagpapanatili ng kalinisan ngayong Nazareno 2024 ay magiging makabuluhang ambag sa paggunita sa Zero Waste Month ngayong Enero.

“Traslacion (Nazareno) 2024 provides a good opportunity to show our solidarity with our nation’s efforts to prevent and reduce pollution, which is essential if we are to uphold the human right of every Filipino to a clean, healthy and sustainable environment.” saad ni Tolentino.

Noong nakaraang Sabado, Enero 6 ay nagkaroon ng pagtitipon ang EcoWaste Coalition, kasama ang Green Brigade Team ng Quiapo Church, at Samahan ng mga Mangangalakal ng Scrap sa Capulong upang ibahagi ang panawagang “Kalakip ng Debosyon ang Malinis na Traslacion”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,857 total views

 26,857 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,208 total views

 55,208 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,938 total views

 122,938 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,089 total views

 146,089 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,309 total views

 214,309 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top