Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 104,396 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin tuwing Enero ang National Zero Waste Month. Layon ng kampanyang ito na isulong ang sustenableng paraan ng pamumuhay at sistema ng produksyon at pagkonsumo ng mga produkto upang higit na mabawasan ang basurang nililikha natin. Tunay ngang napapanahon ang kampanyang ito lalo na’t kasunod ito ng holiday season kung kailan sandamakmak na basura ang naiiwan matapos ang mga pagdiriwang.

Bilang mga Pilipino, mahalaga sa atin ang tradisyon ng pagbibigay ng regalo, pagsasalu-salo kasama ang pamilya’t mga kaibigan, at iba pang mga aktibidad upang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. Ngunit tila naging parte na rin ng tradisyon natin ang pagkakaroon ng napakaraming basura sa panahong ito. Ayon sa LGU ng Maynila, 41 toneladang basura ang nakolekta sa Luneta Park noong Pasko lamang. Sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR), ang bansa ay lumilikha ng 61,000 na tonelada ng basura araw-araw. Kasama rito ang 163 milyon na plastic sachets, 48 milyon na shopping bags, at 45 milyon na thin-film bags. Ayon pa sa kagawaran, 33% lamang nito ang naitatapon sa mga landfills at dumpsites. Hindi bababa sa 35% napupunta sa iba’t ibang lugar kung saan nagdudulot ang mga ito ng panganib sa kalusugan ng tao at sa mga dagat kung saan napipinsala naman ang marine life.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na ang malalim na problema sa basura ay konektado sa tinatawag na “throwaway culture.” Ito ay ang pamumuhay kung saan madalas nating itinatapon kaagad ang mga bagay bilang basura matapos gamitin ang mga ito kahit maaari pa silang pakinabangan. Pinalalalâ naman ito ng sobra-sobrang pagkonsumo ng mga likas na yaman at ng mga produkto na higit pa sa pangangailangan natin. Paalala pa ng Santo Papa, lahat ng ito ay nakaugat sa kasalukuyang sistema ng ekonomiya at modelo ng pag-unlad na nakasentro sa kita o profit.

Sa pagpapalago ng kita ng mga korporasyon, tila sina-subsidize pa ng taumbayan ang produksyon nila ng mga bagay na nagiging basura. Tinatawag na negative externalities ang mga gastos na pinapasan ng pamahalaan at mga indibidwal para tugunan ang masasamang epekto sa kalikasan at lipunan ng mga basurang mga pribadong kumpanya ang sanhi. Halimbawa nito ang mga externalities ng single-use plastic packaging. Gumagastos ang gobyerno sa waste management. Gumagastos tayo para sa kalusugan at kabuhayang naapektuhan ng plastic pollution. Kaya naman, napakahalagang maipatupad ang Extended Producer Responsibility (EPR) law upang mapanagot ang mga kumpanyang malaki ang kontribusyon sa krisis sa basura. Noong 2023, nasa 20% o halos 800 pa lang sa 4,000 na kumpanya ang sumusunod sa requirements ng EPR law.

Maliban sa pagpapatupad ng mga patakarang naglalayong tugunan ang problema sa basura, marami rin tayong pwedeng gawin bilang mga miyembro ng ating komunidad. Sa pagdiriwang ng Zero Waste Month, hikayatin natin ang isa’t isang bawasan ang itinatapon nating basura sa loob at labas ng ating mga tahanan. Isama natin sa mga New Year’s resolution ang pag-refuse, reduce, reuse, repurpose, and recycle ng mga produkto upang mabawasan ang mga basurang napupunta sa mga landfills, sa kapaligiran, o sa mga ilog at dagat. Lahat tayo ay may papel sa pagbabago ng ating kultura—ng ating paraan ng pamumuhay—tungo sa mas sustenableng lipunan para sa kabutihang panlahat. Gusto ba nating iwan sa ating mga anak ang isang planetang mistulang tambakan ng basura?   

Mga Kapanalig, katulad ng pagmamahal at pagkabukas-palad na ipinaabot natin sa ating kapwa noong “season of giving,” kasama rin sana sa binibigyan natin ng atensyon at pangangalaga ang ating common home, ang nag-iisa nating tahanan, gaya ng wika sa Genesis 2:15.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,868 total views

 70,868 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,863 total views

 102,863 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,655 total views

 147,655 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,626 total views

 170,626 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,024 total views

 186,024 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,590 total views

 9,590 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,869 total views

 70,869 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,864 total views

 102,864 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,656 total views

 147,656 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,627 total views

 170,627 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,025 total views

 186,025 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,617 total views

 135,617 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,041 total views

 146,041 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,680 total views

 156,680 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,219 total views

 93,219 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,509 total views

 91,509 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top