Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 79,063 total views

Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino.

Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9.

Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto ay kayamanan ng simbahan sa patuloy na pananalig sa Panginoon.

Ipinaliwanag ng arsobispo na bagama’t ang mga deboto ay hindi karaniwang mananampalataya na makikita sa mga parokya tuwing araw ng Linggo, mararamdaman ang kanilang pag-ibig sa Panginoon sa kanilang debosyon.

“But this gives them a link to their faith in a way of exhibiting and manifesting their faith,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral visit on-the-air ng Radyo Veritas.
Sa loob ng tatlong taong pananatili sa bansa, ito ang kauna-unahang pagkakataon na masasaksihan ng nuncio ang pista ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ilang taong ipinagpaliban dulot ng pandemya.

Dagdag pa ng arsobispo, “Steam it, appreciate it. Sure elevate it, try to purify but with great respect, and never really criticize them from my perspective … because it’s the faith of the people.”
Inihayag ng kinatawan ng Vatican na tungkulin ng simbahan na gabayan at hubugin ang mananampalataya tungo sa kanilang paglago sa pananampalataya.

Una na ring ipinahayag ng arsobispo ang mayamang tradisyon ng pananampalataya ng mga Filipino na makikita rin at ipinagdiriwang ng mga Filipino community sa iba’t ibang bansa tulad ng pamimintuho sa Nazareno, Santo Nino at Birhen ng Peñafrancia.

Sa kasaysayan, tinatayang umaabot na 20 milyong ang mga debotong nakikiisa sa ‘Traslacion’ kung saan naitala rin ang pinamatagal na prusisyon na umaabot ng 22 oras taong 2012.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 727 total views

 727 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 33,809 total views

 33,809 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 62,160 total views

 62,160 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 129,890 total views

 129,890 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 152,989 total views

 152,989 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top