Huwag pag-aksayahan ng panahon at pondo ang ChaCha, hamon ng Caritas Philippines sa kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,319 total reads

Binigyang diin ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mas dapat tutukan ng pamahalaan ang pagkakaloob ng kalidad na serbisyo publiko sa mamamayang Pilipino sa halip na ang pagbabago ng Saligang Batas.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa usapin ng pagsusulong ng Charter Change.

Ayon sa Obispo, sa halip na mag-aksaya ng panahon at pondo ang pamahalaan para isulong ang pag-amyenda ng Konstitusyon ay mas nararapat na ilaan na lamang ito sa pagtiyak ng pagkakaloob ng kalidad at naaangkop na serbisyo publiko.

“Instead of wasting time and resources on amending the Constitution, the government should prioritize measures to eradicate corruption and ensure the efficient and effective delivery of basic social services to our people.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng Obispo, sadyang nakababahala rin ang tunay na intensyon ng mga patuloy na nagtatangkang amyendahan ang Saligang Batas lalo na sa pamamagitan ng isang kaduda-dudang inisyatibong nagsasantabi sa isang patas at maayos na proseso na kung saan may tunay na partisipasyon ang publiko.

“Any attempt to alter the Constitution, especially when shrouded in secrecy and lacking genuine public participation, raises serious concerns about its true motives,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Giit ng Obispo, hindi mababago ang posisyon at paninindigan ng CBCP na kinakailangang nakabatay at para sa kabutihan ng sambayanan o ng common good ang layunin ng pag-amyenda ng Konstitusyon kung saan hindi dapat na maisantabi ang anumang kalayaan at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo, dapat ring nakabatay sa katotohanan at kaayusan ng bayan ang anumang plano na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.

“The CBCP has always taught that ‘If the Constitution is to be revised at all, the process should lead to a greater defense and promotion of the moral values of human dignity and human rights, integrity and truth, participation and solidarity, and the common good.'” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Partikular namang tinukoy ni Caritas Philippines Executive Director Fr. Antonio Labiao, Jr. na kinakailangang tutukan ng pamahalaan ang pagsusulong ng mga batas na tutugon sa higit na pangangalaga ng kalikasan, reporma sa halalan at pagkakaroon ng anti-dynasty measures upang magkaroon ng mas higit na umiral ang demokrasya sa bansa.

“We need reforms that ensure the quality of our elections and the integrity of the vote… Only then can we have a truly representative democracy free from manipulation and vote-buying.” Pagbabahagi ni Fr. Labiao.

Muli namang hinikayat ni Bishop Bagaforo ang mamamayan na maging mapagmatyag at makialam sa mga usaping pampulitika kasabay ng patuloy na pananalangin na magkaroon ng dalisay na hangarin ang mga opisyal ng bayan na maglingkod ng tapat, makatao, at maka-Diyos sa sambayan.

Paalala ng Obispo, “Let’s focus on building a just and equitable society, not on rewriting the Constitution for personal gain.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,748 total reads

 48,748 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,114 total reads

 134,114 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,849 total reads

 180,849 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,721 total reads

 228,721 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,343 total reads

 330,343 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top