Motorcycle safety sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 106,564 total views

Hindi na natin makakaila, kapanalig, na ang motorsiklo ay hari na ng ating mga lansangan. Nitong 2023, halos isang milyong motorsiklo ang nabili sa ating bansa. Umaabot na sa 8.5 million ang registered motorcycles sa ating bayan, at tinatayang milyon milyon din ang hindi rehistrado.

Ang motor kapanalig, ay nangungunang choice na ng marami nating kababayan. Mura ito kaysa sa oto, mabilis makuha, at madali pang i-park. At kapag traffic ang usapan, mas mabilis ka ring makakarating sa iyong pupuntahan, pag motor ang sasakyan.

Kaya lamang, mabilis din ang disgrasya sa motorsiklo. Halos linggo-linggo, o minsan  pa nga, araw araw, may nababalitaan tayong aksidente na sangkot ang motorsiklo. Kaya nga’t ang motorcycle safety ay isang isyu na hindi dapat balewalain, at ang pagsusuri sa mga panganib at hakbang na maaaring gawin upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada ay kritikal para sa lahat.

Unahin natin ang panig ng mga riders. Ang paglago ng bilang ng mga motorsiklo sa kalsada ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng malalim na pang-unawa sa mga patakaran at pamamaraan sa motorcycle safety. Maraming motorista ang hindi lubos na naiintindihan ang mga batas sa kalsada, kaya mas marami na ang bilang ng aksidente at pinsala. Isa na rito ang tamang paggamit ng helmet. Ang pag-gamit nito ay hindi lamang compliance sa sa batas, kundi isang pangunahing depensa laban sa pinsala. Pero kahit mapanganib, marami pa rin ang hindi naghehelmet. Ang rason, malapit lang naman kasi ang pupuntahan.

Ang pagsusuri ng kondisyon ng motorsiklo at ang regular na pag-serbisyo nito ay mahalaga rin para sa ating kaligtasan. Ang hindi maayos na kundisyon ng mga preno, ilaw, at iba pang bahagi ng motorsiklo ay nagiging sanhi ng aksidente. Sa pamamagitan ng regular na pag-aalaga, maaaring maiwasan ang mga teknikal na problema na maaaring magbunga ng malubhang aksidente.

Ang maayos na rider din kapanalig ay napakahalaga. Dapat siya ay laging maingat sa kalye, lalo na’t maraming mga pedestrians. Maraming pagkakataon na nababangga o nahahagip ng motor ang mga pedestrians dahil pati sidewalk, kinukuha na nito, o di kaya tuloy tuloy ang takbo kahit na sa tawiran ng tao. Pakaisipin na mahirap para sa pedestrians ang umiwas sa motor, lalo pa’t mabilis ito.

Ang pamahalaan naman ay dapat maayos na ipatupad ang mga traffic rules and regulations. Dapat din nilang bigyan ng atensyon ang motorcycle safety training, at sana ay ma enforce ito ng pamahalaan. Maraming mga drivers at riders ang nagmamaneho ng walang sapat na training kaya’t mas lalong gumugulo ang mga lansangan ng bayan. Simpleng light signals ay di magawa ng iba, pati ang mga basic rules on swerving at overtaking, hindi nila alam.  Ang pagsasanay sa tamang pagmamaneho, pag-iwas sa mga peligro sa kalsada, at defensive driving ay mahalaga para ligtas tayong lahat sa kalsada.

Ang pag-gamit ng ating mga lansangan ay may kaakibat na responsibilidad. Ang kaligtasan nating lahat sa kalsada ay nakataya sa kamay nating lahat. At sa ngayon na motor na ang vehicle of choice ng marami, bata man o matanda, kailangan nating tutukan ang maayos na pag-gamit nito. Kabutihan ito ng balana, na responsibilidad nating lahat. At pagdating sa common good, payo ng Gaudium et Spes:  The best way to fulfill one’s obligations of justice and love is to contribute to the common good according to one’s means and the needs of others, and also to promote and help public and private organizations devoted to bettering the conditions of life.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 70,667 total views

 70,667 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,460 total views

 81,460 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,866 total views

 86,866 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 123,949 total views

 123,949 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 135,595 total views

 135,595 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 70,668 total views

 70,668 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 81,461 total views

 81,461 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,867 total views

 86,867 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 123,950 total views

 123,950 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 135,596 total views

 135,596 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 105,935 total views

 105,935 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 111,728 total views

 111,728 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,110 total views

 124,110 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 72,426 total views

 72,426 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 107,632 total views

 107,632 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 153,465 total views

 153,465 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 154,483 total views

 154,483 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,249 total views

 128,249 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,308 total views

 125,308 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,350 total views

 126,350 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top