Mga labi ni Bishop Lunas, inihimlay sa huling hantungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,720 total views

Hinimok ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang mananampalataya lalo’t higit ang mga pari ng Diocese of Pagadian na isabuhay ang mga halimbawa ni Bishop Ronald Lunas.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa requiem mass nitong January 11 bago ihimlay ang mga labi ni Bishop Lunas.

Inilarawan ni Archbishop Jumoad ang namayapang obispo bilang banal at tapat sa misyong iniatang ng simbahan na pagpapastol sa isang milyong kawan ng Pagadian

“Sikapin nating maibahagi at maramdaman ng kapwa ang mapagkalingang paglilingkod ni Bishop [Ronald] Lunas, isabuhay natin ang kanyang motto na ‘Emmanuel’, at higit sa lahat nawa’y ipagpatuloy ang mga programang nasimulan para sa ikabubuti ng diyosesis,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Tinuran ng arsobispo na maaring mapabilang sa mga banal ng simbahan si Bishop Lunas dahil sa pag-aalay ng kanyang sarili sa Diyos, sa pamumuhay ng payak at puspos ng kabanalan.

“Possibly Bishop Ronald Ignacio ‘Bong’ Lunas can be a candidate for sainthood para sa ating native clergy dito sa Mindanao,” ani ng arsobispo.

Paalala rin ng arsobispo sa mamamayan lalo na ang mga pari na ipanalangin ang mga obispo at iba pang lider ng simbahan na maging tapat sa tungkulin.

Binigyan diin ni Archbishop Jumoad na mahirap na tungkulin ang pagiging obispo gayundin ang mga pari na naglilingkod sa mga parokya kaya’t mahalagang ipanalangin ang bawat isa na maisakatuparan ang misyong maipakita at maipadama si Hesus sa sambayanan.

“Easy to enter the seminary and become a seminarian, difficult to be chosen as a priest but very scarcely and rarely a priest can be called and be ordained a bishop,” giit ni Archbishop Jumoad.

Una nang humiling ng panalangin si Archbishop Jumoad sa mamamayan na sa gabay ng Espiritu Santo ay makapili ang Santo Papa Francisco ng mga paring karapat-dapat maitalagang obispo na mangangasiwa sa mga diyosesis.

Sa kasalukuyan nasa siyam na diyosesis sa bansa ang sede vacante ang mga diyosesis ng Alaminos, baguio, balanga, Catarman, Gumaca, Ipil, Pagadian, San Pablo at, Tarlac.

Kasunod ng pagpanaw ni Bishop Lunas dahil sa komplikasyon sa heart bypass operation, itinalaga ng santo papa si Archbishop Jumoad bilang apostolic administrator ng diyosesis hanggang magtalaga ng bagong obispo ang Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 2,353 total views

 2,353 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 30,704 total views

 30,704 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 98,434 total views

 98,434 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 121,585 total views

 121,585 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 191,555 total views

 191,555 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top