Re-awakening seminar sa mga komunidad, paiigtingin ng CHARIS Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,230 total reads

Tiniyak ng Catholic Charismatic Renewal International Service – National Service of Communion ang pagpapaigting sa gawaing pagmimisyon bilang katuwang ng simbahan.

Ayon kay CHARIS Philippines National President Fe Barino tutukan ng institusyon ang pagpapalawak sa ‘Reawakening’ seminar sa mga komunidad upang muling mapag-alab sa bawat mananampalataya ang diwa ng Espiritu Santo na tinanggap sa sakramento ng binyag..

Sinabi ni Barino na ito ang hakbang ng CHARIS Philippines bilang pakikiisa sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco.

“Bring them to the parish kasi yan ang nais ni Pope Francis sa synod on synodality na opening doors of the churches to everyone lalo na ang peripheries na mapalapit sa simbahan kasi we are journeying together.” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Barino na sinimulan nito ang ‘Reawakening Seminar’ sa mga kawani ng pribadong institusyon kung saan higit natuklasan ang pangangailangang palawakin ang ebanghelisasyon sa buong komunidad.

Nakipagtulungan ang grupo kay Fr. Cresenciano Ubod ng San Vicente Ferrer Parish sa Liloan Cebu upang isulong ang monthly prayer meeting at tipunin ang mananampalataya upang ihayag ang Salita ng Diyos.

“Kami ang nag-initiate na magsagawa ng prayer meeting atleast once a month sa simbahan then bring all people na nag-join sa reawakening, this is open to all kahit iba ang pananampalataya; this is really an opening door, this is an evangelization na parish wide.” giit ni Barino.

Magsisimula ang parishwide Charismatic Prayer Meetings tuwing ikalawang Sabado ng buwan ngayong January 13, 2024 sa San Vicente Ferrer Parish.

Naniniwala si Barino na bawat isa ay may maibabahaging karanasan sadakilang p ag-ibig ng Diyos na maging daan sa mas higit na pagpapalalim ng pananampalataya ng mamamayan.

“I think conversion stories are the most effective ways of evangelization when you bring people to the parish, to a gathering and let people share their story of conversion, of their experience of the love of God that’s the best evangelization,” ani Barino.

Bukod sa pagiging pangulo ng CHARIS Philippines si Barino rin ay naihalal na council member ng CHARIS International bilang kinatawan sa Asya gayundin ang pamamahala sa Commission on the Laity ng Archdiocese of Cebu.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 121 total reads

 121 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,275 total reads

 50,275 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 135,641 total reads

 135,641 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,376 total reads

 182,376 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,248 total reads

 230,248 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 331,787 total reads

 331,787 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top