Pope Francis, nagpaabot ng pagkilala at pasasalamat sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,464 total views

Nagpaabot ng pagkilala at pasasalamat ang Santo Papa Francisco sa patuloy na pagsusumikap ng mga Pilipino na maging taga-pagpalaganap ng ebanghelyo.

Ito ang ibinahagi ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech sa kanyang keynote address sa unang araw ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE X) sa University of Santo Thomas mula ika-19 hanggang ika-21 ng Enero, 2024.

Ayon sa opisyal ng Vatican, dalawang araw bago ang kanyang pag-alis sa Roma patungo ng Pilipinas ay kanyang personal na nakausap ang Santo Papa Francisco na nagpaabot ng pagkilala sa pambihirang pagsusumikap ng mga Pilipino na magsilbing katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at misyon ni Hesus sa daigdig.

Ibinahagi ni Cardinal Grech na kaakibat ng pasasalamat at pagkilala ni Pope Francis sa mga Pilipinong Katoliko ang suporta at panalangin upang higit pang mapag-alab at hindi matakot na ipinagpatuloy ang misyon ng ebanghelisasyon saan mang ibayo ng daigdig.

“Two days ago I met the Holy Father and I told him that I was coming to meet you for this experience and he told me to extend to you his personal gratitude for all the work you are doing to announce the Gospel, to help Jesus to meet today’s society and the Holy Father would like to encourage you not to be afraid to cross to the other side.” Ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Grech.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng banal na misa sa pagsisimula ng PCNE X sa University of Santo Tomas, Quadricentennial Pavillion habang nagsilbi namang tagapagbahagi ng pambungad na talumpati para sa mga delegado si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Tampok sa unang araw ng PCNE 10 ang keynote address ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech kaugnay sa paksang “Synodality—A synodal Church in Mission” kung saan binigyang diin ng opisyal ang kahalagahan ng pagiging bukas sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang ganap na matutukan ng Simbahan ang mga mahahalagang usapin sa lipunan.
Tema ng PCNE 10 na paggunita din sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.

Unang isinagawa ang PCNE taong 2013 sa pangunguna ng noo’y Arsobispo ng Manila na si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 14,723 total views

 14,723 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 24,087 total views

 24,087 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 50,543 total views

 50,543 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 100,671 total views

 100,671 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 105,131 total views

 105,131 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top