KAPAYAPAAN AT LAHAT NG KABUTIHAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,735 total reads

Ang Mabuting Balita, 3 Marso 2024 – Juan 2: 13-25

KAPAYAPAAN AT LAHAT NG KABUTIHAN

Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, kaya’t pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng mga baka, mga tupa, at mga kalapati, at ang namamalit ng salapi. Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mangangalakal, pati mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag. Sinabi niya sa mga nagbibili ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalaala ng kanyang mga alagad na sinasabi sa Kasulatan, “Ang aking malasakit sa iyong bahay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko.” Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, “Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Tumugon si Jesus, “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw.” Sinabi ng mga Judio, “Apat-napu’t anim na taon na ginawa ang templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya’t nang siya’y muling mabuhay, naalaala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito; at naniwala sila sa Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus.

Nang pista ng Paskuwa, nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga kababalaghang ginawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila sa Jesus, sapagkat kilala niya silang lahat. Hindi na kailangang may magsalita pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat talastas niya ang kalooban ng lahat ng tao.

————
Nagsalita si Jesus tungkol sa templo na kanyang katawan. Marahil, marami sa atin ang hindi nakakaisip na ang ating katawan ay sadyang mga templo ng Espiritu Santo. Samakatuwid, kung paano ipinagtabuyang palabas ni Jesus ang mga gumawang palengke ng bahay ng kanyang Ama, sinasabi niya sa atin na ipagtabuyang palabas ng ating katawan ang lahat ng nagiging hadlang na tayo ay maging mga templo ng Espiritu Santo, tulad ng Pitong Kasalanang Nakamamatay: Kapalaluan o kahambugan, Inggit, Katakawan o kasibaan sa pagkain at inumin, Kahalayan o kalibugan, Poot o Galit, Pagkaganid at Katamaran o pagkabatugan.

May mga nagsasabi na likas sa tao ang magkasala. Kung totoo na tayo ay likas na makasalanan, di sana napakasaya at napakapayapa natin sa tuwing tayo ay nagkakasala. Ngunit, hindi. Kapag lamang inaayawan natin ang mga basura/kalat sa loob natin sa pamamagitan ng pagsunod sa daan ng katuwiran ni Jesus, saka lang tayo nakararanas ng kasiyahan at kapayapaan. Ipinadala ng Diyos ang kanyang kaisa-isahang Anak na nagkatawang-tao upang ipakita sa atin kung paano mamuhay ayon sa ating kalikasan na ginawang kawangis ng Diyos, at ito ang KAPAYAPAAN AT LAHAT NG KABUTIHAN (“Pace e Bene” mula kay St. Francis at St. Clare ng Assisi).

Panginoong Jesus, nawa’y lubos-lubusin namin ang pakikiisa sa mga Sakramento upang manatili kaming mga templo ng iyong Espiritu Santo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 237,203 total reads

 237,203 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 268,933 total reads

 268,933 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 370,757 total reads

 370,757 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 411,320 total reads

 411,320 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 422,065 total reads

 422,065 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

OMNISCIENT

 2,502 total reads

 2,502 total reads Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13 OMNISCIENT Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend

Read More »

BRIDGING THE GAP

 3,870 total reads

 3,870 total reads Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4 BRIDGING THE GAP Jesus was praying in a certain place, and when he

Read More »

JOYFUL HOPE

 3,215 total reads

 3,215 total reads Gospel Reading for October 06, 2026 – Luke 10: 38-42 JOYFUL HOPE Jesus entered a village where a woman whose name was Martha

Read More »

The ROADMAP

 15,769 total reads

 15,769 total reads Gospel Reading for October 05, 2026 – Luke 10: 25-37 The ROADMAP There was a scholar of the law who stood up to

Read More »
Scroll to Top