Mamasapano case, dapat magkaroon na ng closure

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,777 total reads

Umaapela ang Obispo ng Mindanao na dapat mabigyan na ng closure at katarungan ang Mamasapano massacre.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, kailangang maipagpatuloy ang Senate findings sa kaso upang mabigyan ng katarungan ang mga namatay sa Mamasapano encounter noong 2015.

Inihayag ng Obispo na dapat mapanagot sa batas ang may kasalanan at kapabayaan sa pagkamatay ng limang sibilyan at 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o tinaguriang SAF 44.

Umaasa si Bishop Bagaforo na matutulungan at makamtan na ng mga pamilya ng SAF 44 ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Naniniwala ang Obispo na malaki ang pananagutan ng mga opisyal noon ng bansa sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP sa engkuwentro dahil sa kanilang kapabayaan.

Sinang-ayunan naman ni Bishop Bagaforo ang pakikipagpulong ng pangulong Duterte sa pamilya ng mga biktima upang mabigyan sila ng pag-asa na makakamtan ang katarungan.

“Dapat merong closure na ang Mamasapano case. The Poe’s Senate findings must be pursued & justice be done. Those responsible be brought to answer their deeds. Families of SAF 44 should be properly compensated. The government should take responsibility of their deaths.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Samantala, lumabas sa Senate investigation noong 2015 sa pamumuno ni Senator Grace Poe na maituturing na isang massacre at hindi encounter ang nangyari sa operation plan Exodus kaugnay ng pagsi-serve ng warrant of arrest sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin Hir alias Marwan at dalawa pang kasamang terorista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 14,117 total reads

 14,117 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,847 total reads

 48,847 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,329 total reads

 85,329 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,541 total reads

 103,541 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,139 total reads

 187,139 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 86,339 total reads

 86,339 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 63,894 total reads

 63,894 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 102,322 total reads

 102,322 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top