Common good, dapat mangibabaw sa ibibigay na executive clemency sa 127-bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Umaasa si Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum na masusing napag-aralan ng pamahalaan ang mga karapat-dapat na pagkalooban ng Executive Clemency ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo, bukod sa usaping legal ay nararapat ring isaalang-alang ang kapakanan at kabutihan ng lahat sa mga mahahalagang desisyon ng pamahalaan tulad ng paggagawad ng clemency sa mga bilanggo.

Bukod dito umaasa rin si Bishop Iniguez na tunay na bukas sa pagbabagong buhay ang mga magagawaran ng Executive Clemency na isang pambihirang pagkakataon upang muling makapagsimula sa kanilang buhay sa labas ng piitan.

“Sapagkat ito ay ipinagkakaloob ng batas sa ating Pangulo, sana magamit niya ito para sa kapakanan ng sambayanan kaya yung kung sino yung mga bibigyan niya ng Clemency dapat napag-aralan niya at dapat ay talagang mga bukas at karapat-dapat sa pagtanggap ng clemency na ito hindi yung magbibigay para lamang o dun sa ibang ibig paboran kundi ito’y isaalang alang talaga ang kapakanan ng lahat, ang common good…” pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam sa Radyo Veritas.

Unang kinumpirma ng Department of Justice ang pagpapalaya sa may 127-inmates ngayong linggo sa pamamagitan ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Clemency partikular na sa mga nasa higit 80-taong gulang na mga bilanggo at mga nakapag-silbi na ng 40-taon sa kanilang sintensya.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

Unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay labag sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon na makapagbagong-buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 14,884 total reads

 14,884 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 49,568 total reads

 49,568 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,050 total reads

 86,050 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 104,262 total reads

 104,262 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,820 total reads

 187,820 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top