Trabaho at Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,433 total reads

Kapanalig, sa ating bansa, ang kababaihan ay isang matinding pwersa. Makikita ito mismo sa ating mga tahanan kung saan ang mga babae ang kadalasan ang nagpapa-inog. Ngunit hanggang bahay na nga lang ba ang marami sa ating mga kababaihan?

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, pito sa sampung Pilipino na hindi kasama sa labor force ay mga babae.

Mataas na bilang at nakakapanghinayang. Lalo pa’t digital na ang mundo ngayon, at maraming oportunidad sa trabaho ang nabuksan, mga oportunidad na akma sana sa mga kababaihan na maraming mga papel na kailangang gampanan sa buhay.

Ayon sa ADB, maraming mga hamon ang babae pagdating sa trabaho. Isa dito ay ang stereotypes pagdating sa paghahati hati ng trabahong pambahay. Marami ang naniniwala sa atin na ang may pangunahing responsbilidad sa lahat ng gawain sa bahay ay babae. Siya dapat ang maglaba, maglinis, magluto, mag-alaga ng anak, mamalengke, at iba pa. At kahit pa full-time work ito, hindi natin nakikita kung gaano kalaki ang bahagi nito sa pagsisiguro na makakapagtrabaho at makakapag-aral ang iba pang miyembro ng tahanan. At lahat ng gawain na ito ay walang bayad, walang holiday, at walang breaktime.

Ayon pa rin sa ADB, isyu rin ng kababaihan pagdating sa trabaho ang access sa disenteng sahod kapag nakapagtrabaho sila. Isipin niyo kapanalig ang mga mananahi at tindera na inyong nakikita. Magkano ba ang kita nila kada araw? Ayon sa pagsusuri ng ADB, ang maliit na sweldo ay laganap o prevalent sa hanay ng kababaihan sa bansa. Ang gender wage gap ay tinatayang nasa pagitan ng 23% and 30%, at nagpapakita ito ng mataas na lebel ng gender inequality sa bansa. Sa mga sakahan, halimbawa, mas maliit ang sahod o kita ng babae kaysa lalake.

Kapanalig, kailangan din ng pagbabago sa aspetong ito. Ang ating mga kababaihan ay ating mga kayamanan. Bigyan natin sila ng pugay at kahalagahan sa ating lipunan. Respeto sa kanilang buhay kapanalig, ang hamon ng isyung ito. Ang mga kababaihan ay binubuhos ang kanilang buong pagkatao upang pagsilbihan ang kanilang pamilya, bakit hirap ang ating lipunan ibigay ang respetong nararapat sa kanila?

Ang Evangelium Vitae ay may mahalagang aral ukol dito, at sana tayo ay maudyukan nitong magbago: Ang isang lipunan ay walang pundasyon kung hanggang salita lamang ang pag-galang nito sa dignidad ng tao, sa katarungan at kapayapaan, at kung pinapayagan nito ang mga iba ibang gawaing naglalapastangan sa buhay ng tao, lalo pa’t ito ay mahina at bulnerable.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,803 total reads

 13,803 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,555 total reads

 48,555 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,037 total reads

 85,037 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,249 total reads

 103,249 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,858 total reads

 186,858 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,804 total reads

 13,804 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,556 total reads

 48,556 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,038 total reads

 85,038 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,250 total reads

 103,250 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top