Linggo, Agosto 25, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,777 total views

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Josue 24, 1-2a. 15-17. 18b
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19. 20-21. 22-23

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Efeso 5, 21-32
Juan 6, 60-69

Twenty-first Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Josue 24, 1-2a. 15-17. 18b

Pagbasa mula sa aklat ni Josue

Noong mga araw na iyon, tinipon ni Josue sa Siquem ang lahat ng lipi. Pagkatapos, tinawag niya ang matatanda, ang mga hukom, ang mga pinuno at mga tagapangasiwa sa Israael, at sila’y humarap sa Panginoon. Sinabi niya: “Kung ayaw ninyong maglingkod sa Panginoon, sabihin ninyo kung kanino kayo maglilingkod: sa diyus-diyusang sinamba ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o sa mga diyus-diyusan ng mga Amorreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinatahanan. Ngunit ako at ang aking angkan ay sa Panginoon lamang maglilingkod.”

Sumagot ang bayan: “Wala kaming balak na talikuran ang Panginoon at maglingkod sa mga diyus-diyusan. Ang Panginoon, na ating Diyos ang siyang humango sa atin sa pagkaalipin sa Egipto. Nasaksihan din namin ang mga kababalaghang ginawa niya upang tayo’y maingatan saanman tayo mapadako at mailigtas sa mga kaaway na ating nadaanan. Kaya’t kami rin ay sa Panginoon maglilingkod. Siya ang ating Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19. 20-21. 22-23

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga agawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid
at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig.
Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Ang taong matuwid, masuliranin man,
sa tulong Poon, agad maiibsan.
Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,
kahit isang buto’y hindi magagalaw.

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Ngunit ang masama, ay kasamaan din
sa taglay na buhay ang siyang kikitil.
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang mag-iingat!

Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 5, 21-32

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, pasakop kayo sa isa’t isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo. Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Kristo ang simbahan, gayon din naman, ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.

Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang simbaha’y italaga ng Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang simbahan, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sariling nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ni Kristo sa simbahan. Tayo’y mga bahagi ng kanyang katawan. “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.” Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito ang kaugnayan ni Kristo sa simbahan ang tinutukoy ko.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 60-69

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, marami sa mga alagad ni Hesus ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?” Alam ni Hesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kaya’t sinabi niya, “Dahil ba rito’y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan?

Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Sapagkat talastas ni Hesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama.”

Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Si Hesus ay isang tapat at masintahing pastol. Ang kanyang pangaral ay may kaakibat na paghamon, lalong higit ang turo niya sa hiwaga ng Eukaristiya. Batid ang ating kahinaan, tayo’y magsumamo:

Diyos naming tapat, maging tapat nawa kami sa iyo!

Nawa’y ang Simbahan, sa pamumuno ng kahalili ni Pedro, ay tuwinang manatiling tapat sa pakikipagtipan sa Panginoon. Manalangin tayo!

Nawa’y palagiang maalaala ng mga Kristiyano na natutuksong sumunod sa masamang halimbawa ng mga taong di-tapat at imoral ang kanilang mga pangako sa kanilang binyag. Manalangin tayo!

Nawa’y sa pamamagitan ng tapat na pagmamahalan, ang mga mag-asawa’y magpatotoo sa pagmamahal na nagbubuk- lod kay Kristo at sa Simbahan. Manalangin tayo!

Nawa’y isa-isantabi ng mga di naniniwala sa presensiya ni Kristo sa Eukaristiya ang kanilang pangangatuwiran at pakumba- bang tanggapin ang turo ni Kristo hinggil dito. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ay manatiling tapat kay Hesus, kahit na marami ang tumatanggi sa kanyang turo at tumitiwalag sa Simbahan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may pa- nunungkulang pampolitika: Nawa’y lagi silang nakatuon sa paglilingkod, at sa pagkilos para sa wastong paglaganap ng lipunan at sa kapakanang pangkalahatan, lalu na sa pangangalaga para sa mahihirap at mga nawalan ng ikabubuhay. Manalangin tayo!

Panginoon ng lahat ng katotohanan at kaaliwan, kahit na ikaw ay iwan ng lahat dahil sa iyong mga kahingian, di kami titigil na sumamba, magmahal, at maglingkod sa iyo, pagka’t ikaw lamang ang may salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan, at nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 18,534 total views

 18,534 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 39,515 total views

 39,515 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 61,943 total views

 61,943 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 235,502 total views

 235,502 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 211,856 total views

 211,856 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 29, 2026

 699 total views

 699 total views Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa 1 Pedro 4, 7-13 Salmo 95, 10. 11-12.

Read More »

Huwebes, Mayo 28, 2026

 2,371 total views

 2,371 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 4,035 total views

 4,035 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 5,317 total views

 5,317 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 4,399 total views

 4,399 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top