Biyernes, Oktubre 23, 2026

SHARE THE TRUTH

 362 total reads

Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari

Efeso 4, 1-6
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Lucas 12, 54-59

Friday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. John Capistrano, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Efeso 4, 1-6

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo?
sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 54-59

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?

Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sinasabi ng Panginoon na maging handa tayo sa araw ng kanyang pagbabalik. Dumulog tayo sa Ama habang nananalangin, naghahanda, at naghihintay sa pagdating ng Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ihanda mo kami sa iyong paghahari, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y tumugon sa panawagan sa pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabuting kalooban nawa’y sama-samang kumilos upang bigyang tuldok ang giyera at suklam, paniniil at kawalang katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mas higit na maging mulat sa presensya ni Kristo sa gitna ng mahihirap at nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyan ng lakas at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kaibigan at kamag-anak na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kaligayahan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin. Buksan mo ang aming mga mata sa iyong presensya. Gawin mo kaming malapit sa iyo araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

MORE BLESSED

 4,193 total reads

Gospel Reading for October 20, 2026 – Luke 12: 35-38

MORE BLESSED

Jesus said to his disciples: “Gird your loins and light your lamps and be like servants who await their master’s return from a wedding, ready to open immediately when he comes and knocks. Blessed are those servants whom the master finds vigilant on his arrival. Amen, I say to you, he will gird himself, have them recline at table, and proceed to wait on them. And should he come in the second or third watch and find them prepared in this way, blessed are those servants.”

————

There are those of us who think that others are MORE BLESSED than we are, and we complain about why we are not as blessed as they are.

Perhaps we need to improve our attitude. Are we really open to God’s blessings? Can we recognize God’s blessings when they come? Or do we determine for ourselves whether or not we have been blessed?

There are also times when opportunities are presented to us that could bring us blessings if we took advantage of them. But we always want to play it safe—it is better not to do anything than to risk something. We forget that without taking the first step, we will not get anywhere.

Lord Jesus, teach us to always be alert and open to receiving God’s blessings. Amen.

Hindi sapat ang balde

 45,782 total reads

Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El Niño. Ito ang bilin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ang tubig daw na maiipon sa mga balde, maaaring maging malinis at ligtas inumin sa pamamagitan ng mga filtration kits na ipamamahagi ng gobyerno.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang El Niño bago matapos ang 2026, at posibleng magpatuloy ito hanggang sa unang bahagi ng 2027. Magdudulot ito ng kakulangan sa ulan at tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa. Ang resulta: mas kaunting tubig na makararating sa ating mga tahanan.

Wala namang mali sa paalala ni PBBM, pero kung ito lang ang naiisip niyang solusyon para maibsan ang mga epekto ng El Niño, parang ipinapasa lang sa mga mamamayan ang responsabilidad sa pagharap sa krisis. Naghahanap ang taumbayan ng malinaw na plano para sa buong bansa, pero ang natanggap nila ay paalala na nagpapahiwatig na nakasalalay lang sa kanila ang solusyon. Ipinauubaya na sa mga mamamayan ang pag-iipon ng tubig at paglilinis nito; may ipamimigay naman daw na water filtration kits ang gobyerno. 

Lalo pang naging kontrobersyal ang usapin nang magkomento si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na kailangan ng mga kritiko ng “baldeng utak” upang maintindihan ang pahayag ng pangulo. Sa halip na ibsan ang pangamba ng publiko at ipaliwanag nang maayos ang mga hakbang ng pamahalaan, insulto pa ang natanggap ng mga naghahanap ng kasagutan.

Sa panahong pangamba sa hinaharap ang namamayani, hindi masisisi ang mga mamamayan na maghanap ng malinaw na gagawin ng pamahalaan dahil nasa mga kamay nito ang pondo at ito ang nagpapatupad ng mga patakarang tutugon sa ating mga pangangailangan. Kaunti na lang ang panahon para maghanda sa mga epekto ng matinding El Niño, kaya makatwirang asahan na gagawa ang pamahalaan ng mga hakbang na sila mismo, bilang mga lingkod-bayan, ang magsasakatuparan—higit sa pamimigay ng pansala ng tubig.

Sa sumunod na press conference, inilatag ni Usec Castro ang mga plano ng gobyerno. Aniya, naghahanap na ito ng alternatibong mapagkukunan ng tubig, dinadamihan na ang mga water treatment plants at water systems sa bansa, at muling pagaganahin ang mga balón upang madagdagan ang suplay. Kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian, ipinakita rin ni Usec Castro kung paano gamitin ang mga filtration kits na binanggit ng pangulo. Tiwala rin ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (o MWSS) na maiiwasan ang kakulangan sa tubig dahil naghahanda na ito mula pa noong 2022.

Kung ang mga hakbang na ito ang higit na binigyang-diin ng pangulo sa halip na ang payo tungkol sa mga balde, maaaring mas naunawaan ng publiko ang lawak ng paghahanda ng pamahalaan. 

Pero hindi sapat na tiyakin lamang na sapat ang suplay ng tubig. Kailangang ding may plano kung ano ang gagawin sa suplay. Kailangang maitukoy kung sino ang higit na mangangailangan ng tulong, ano ang kanilang kakailanganin, at paano at kailan ito dapat makarating sa kanila. Higit sa lahat, kailangang masigurong maisasakatuparan ang mga plano at matiyak na makararating sa mga mamamayan ang tulong kapag lubos nang nararamdaman ang mga epekto ng El Niño.

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa 1 Corinto 12:26, kapag nagdurusa ang isang bahagi, nagdurusa ang lahat. Sa diwa ng pagkakaisa, mahalagang gampanan natin ang ating responsabilidad bilang mga indibidwal at bahagi ng komunidad na magtipid at mag-ipon ng tubig bilang paghahanda sa Super El Niño. Pero higit sa pagkilos ng bawat isa, tungkulin din ng pamahalaan na maglatag at magpatupad ng malinaw at komprehensibong plano upang matiyak na walang maiiwan sa panahong higit na kailangan ang tulong.

Sumainyo ang katotohanan.

NO ONE KNOWS

 5,179 total reads

Gospel Reading for October 19, 2026 – Luke 12: 13-21

NO ONE KNOWS

Someone in the crowd said to Jesus, “Teacher, tell my brother to share the inheritance with me.” He replied to him, “Friend, who appointed me as your judge and arbitrator?” Then he said to the crowd, “Take care to guard against all greed, for though one may be rich, one’s life does not consist of possessions.” Then he told them a parable. “There was a rich man whose land produced a bountiful harvest. He asked himself, ‘What shall I do, for I do not have space to store my harvest?’ And he said, ‘This is what I shall do: I shall tear down my barns and build larger ones. There I shall store all my grain and other goods and I shall say to myself, “Now as for you, you have so many good things stored up for many years, rest, eat, drink, be merry!”’ But God said to him, ‘You fool, this night your life will be demanded of you; and the things you have prepared, to whom will they belong?’ Thus will it be for the one who stores up treasure for himself but is not rich in what matters to God.”

————

The man in the parable was so greedy that he could not see that since God had provided him with more than enough, the excess was no longer meant for him alone. It was meant to be shared with others in need.

Since all resources come from God, including our ability to produce a good harvest, our intelligence, our good business sense, and the many other gifts we receive, the best way to show our gratitude to him is to share what we can with others on this planet—whether human beings, animals, or other living things in our environment.

Everything God provides today is meant to sustain the lives of the people living in this world today. Future generations will likewise receive provisions from God during their lifetime on earth.

NO ONE KNOWS when we will be called away from this world. When we reflect on this, we will realize that GREED IS FOOLISHNESS AND USELESS. It may even cost us eternal life.
Lord Jesus, teach us to value the riches that truly matter to God. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 45,783 total reads

 45,783 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 150,412 total reads

 150,412 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 236,523 total reads

 236,523 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 306,656 total reads

 306,656 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 338,428 total reads

 338,428 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 2,168 total reads

 2,168 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 4,801 total reads

 4,801 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

Martes, Oktubre 20, 2026

 6,448 total reads

 6,448 total reads Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 2, 12-22 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y

Read More »

Lunes, Oktubre 19, 2026

 7,375 total reads

 7,375 total reads Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari

Read More »

Linggo, Oktubre 18, 2026

 8,282 total reads

 8,282 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top