Lunes, Nobyembre 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 18,114 total views

Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo

Tito 1, 1-9
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Lucas 17, 1-6

Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Tito 1, 1-9

Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Mula kay Pablo, alipin ng Diyos at apostol ni Hesukristo.

Sinugo ako upang patibayin ang pananalig ng mga hinirang ng Diyos, palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa katotohanang makapaglalapit sa atin sa Diyos, at bigyan ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa lalangin ang sanlibutan, ang buhay na ito’y ipinangako na ng Diyos na hindi marunong magsinungaling. Ipinahayag naman ito sa takdang panahon at ipinagkatiwala sa akin upang ipangaral, ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas.

Kay Tito, tunay kong anak sa pananampalatayang ipinagkaloob sa ating lahat:

Sumaiyo nawa ang pagkalinga at kapayapaan mula sa Diyos Ama at sa ating Tagapagligtas na si Kristo Hesus.

Iniwan kita sa Creta upang ayusin ang mga bagay na wala pa sa ayos at pumili ng matatanda sa simbahan sa bawat bayan, ayon sa itinagubilin ko sa iyo. Ang pipiliin mo’y yaong walang maaaring ipintas, minsan lang nag-asawa, ang mga anak ay mananampalataya at hindi magugulo o matitigas ang ulo. Kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwa ng simbahan, sapagkat ang pamamahalaan niya’y mga gawaing ukol sa Diyos. Kailangang hindi siya palalo, hindi magagalitin, hindi maglalasing, hindi mapusok o gahaman, bukas ang tahanan, maibigin sa kabutihan, may sariling bait, tapat makitungo sa kapwa, masunurin sa Diyos, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag siyang nanghahawak sa tunay na aral upang ito’y maituro sa iba at maipakilala ang kamalian ng mga sumasalungat dito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo?
Sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

ALELUYA
Filipos 2, 15d. 16a

Aleluya! Aleluya!
Sa daigdig ay laganap
liwanag na sumisikat,
Salitang buhay ng lahat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Hindi mawawala kahit kailan ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Mabuti pa sa kanya ang bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito. Kaya’t mag-ingat kayo!

“Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo, at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo.”

Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima ito sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Itinuturo ng ating Guro na ang kahulugan ng pagiging alagad ay ang radikal na pagtanggi sa kasamaan. Iniaalay natin ang ating mga panalangin ngayon nang may pagpapasyang magsakripisyo upang sundan ang Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y magwagi sa kanyang pagpupunyaging labanan ang kasamaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magkaroon ng tapang ng magsalita at kumilos laban sa kasamaang sumisira ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinaging manhid na ng kasalanan nawa’y hipuin ng Espiritu ng Panginoon upang magbalik-loob sila at magbago ng pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y palakasin sa kanilang dinaranas ng pagsubok at maialay nila ang kanilang paghihirap para sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y akayin sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, bigyan mo kami ng matapang na pananampalataya upang maging malakas at matatag kami sa aming paglaban sa kasamaan ng mundong ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 105,620 total views

 105,620 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 127,730 total views

 127,730 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 201,985 total views

 201,985 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 197,885 total views

 197,885 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Abril 11, 2026

 1,161 total views

 1,161 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 10, 2026

 3,186 total views

 3,186 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 9, 2026

 3,190 total views

 3,190 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 8, 2026

 2,576 total views

 2,576 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Sabado, Marso 7, 2026

 10,390 total views

 10,390 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top