Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Pebrero 26, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,797 total views

Miyerkules ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 4, 12-22
Salmo 118, 165. 168. 171. 172. 174. 175

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Marcos 9, 38-40

Wednesday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA

Sirak 4, 12-22

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Kinakalinga ng Karunungan ang mga humahanap sa kanya;
sila’y kanyang itatampok at padadakilain.
Ang nagmamahal sa kanya’y nagpapahalaga sa buhay;
ang maagang naghihintay sa kanya ay magtatamasa ng kaligayahan.
Ang nagkamit ng Karunungan ay magtatamo ng karangalan,
pagpapalain siya ng panginoon saanman siya pumunta.
Ang naglilingkod sa Karunungan ay naglilingkod sa Panginoon;
iibigin ng Panginoon ang sinumang umiibig sa Karunungan.
Ang tumatalima sa kanya’y humahatol nang wasto;
ang nagpapahalaga sa kanya’y nabubuhay nang matiwasay.
Magtiwala ka sa Karunungan at kakamtan mo siya,
at mananatili siya sa iyong lahi hanggang sa iyong kaapu-apuhan.
Sa pasimula’y isasama ka niya sa mga liku-likong landas,
tatakutin ka niya at pupunuin ng agam-agam.
Pagtitiisin ka niya ng bigat ng kanyang mga tuntunin,
at susubukin ka niya sa pamamagitan ng kanyang mga utos,
hanggang sa ikaw ay matutong magtiwala sa kanya.
Pagkatapos agad-agad ka niyang lalapitan;
ipahahayag niya sa iyo ang kanyang mga lihim,
at paliligayahin ka niya.
Ngunit kapag siya’y iyong tinalikuran,
pababayaan ka niya at mabubulid ka sa kapahamakan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 165. 168. 171. 172. 174. 175

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Ako’y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin,
pagkat ako’y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Dahilan sa kautusan, ako ngayon ay aawit,
sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Nasasabik ako, Poon, sa pangakong pagliligtas,
nadama ko sa utos mo ay ang ligaya at galak.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

Upang ako ay magpuri, ako’y bigyan mo ng buhay,
matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.

Ang sa utos mo’y magmahal papayapa yaong buhay.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 38-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Aming Guro, itinuro mo sa amin na ang buong pagtanggi sa kasamaan ang tunay na kahulugan ng pagiging alagad. Nananalangin kami kalakip ang aming intensyong magsakripisyo sa aming pagsunod sa Panginoon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, ilapit Mo kami sa Iyo.

Ang ating Simbahan nawa’y tunay na maipahayag ang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y bigyan ng Diyos ng biyaya ng kapatawaran, pagbabalik-loob, at kagalingan ng mga sakit at hinanakit na dulot ng pagkakahiwa-hiwalay at pag-aaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng higit na pagpapahalaga sa kabutihang-loob ng tao bilang daluyan ng espiritu at gawain ng Diyos sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, mga may kapansanan, at mga maysakit nawa’y mapalakas sa alab ng ating pagkalinga at presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kaibigan na nauna na sa atin nawa’y makabahagi sa kapayapaan at kaligayahan ng paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, tulungan mo kaming tingnan ang lahat ng tao ayon sa iyong pananaw. Bigyan mo kami ng lawak ng kaisipan at kabutihan saanman ito nagmula. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 6,041 total views

 6,041 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 17,524 total views

 17,524 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,213 total views

 33,213 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 34,005 total views

 34,005 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 43,916 total views

 43,916 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Martes, Hunyo 3, 2025

 60 total views

 60 total views Paggunita kay San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong

Read More »

Lunes, Hunyo 2, 2025

 572 total views

 572 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo

Read More »

Linggo, Hunyo 1, 2025

 1,046 total views

 1,046 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon (K) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog.

Read More »

Sabado, Mayo 31, 2025

 1,621 total views

 1,621 total views Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria Sofonias 3, 14-18 o kaya Roma 12, 9-16b Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6 Kapiling n’yo ang

Read More »

Biyernes, Mayo 30, 2025

 2,066 total views

 2,066 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top