Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Marso 21, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,617 total views

Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mateo 21, 33-43. 45-46

Friday of the Second Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito’y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas. Dinamdam ito ng kanyang mga kapatid at ayaw nilang pakisamahang mabuti si Jose.

Nasa Siquem ang mga kapatid ni Jose at doon inaalagaan ang kawan ng kanilang ama. Sinabi ni Israel, “Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid.” Sumunod si Jose at natagpuan ang mga kapatid sa Dotan. Malayo pa siya’y natanaw na ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. Sinabi nila, “Ayan na ang mapanaginipin! Patayin natin at ihulog sa balon, at sabihing sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip.”

Narinig ito ni Ruben at binalak na iligtas si Jose. Sabi niya, “Huwag, huwag nating patayin. Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon.” Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid. Paglapit ni Jose, hinubdan nila ito, at inihulog sa isang tuyong balon.

Habang sila’y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa Galaad. Ang kanilang mga kamelyo ay may kargang mga gagawing pabango na dadalhin sa Egipto. Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Wala tayong mapapala kung patayin natin ang ating kapatid. Mabuti pa’y ipagbili na lamang natin siya sa mga Israelita kaysa ating saktan! Siya’y kapatid din natin: laman ng ating laman at dugo ng ating dugo.” At sila’y nagkasundo. Nang malapit na ang mga mangangalakal, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose’y dinala ng mga Israelita sa Egipto.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa lupain nila’y mayroong taggutom na ipinarating
itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.
Subalit ang Diyos sa unahan nila’y may sugong lalaki.
Tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mga paa nito’y nagdanas ng hirap nang ito’y ipangaw,
pati leeg niya’y pinapagk’wintas ng kolyar na bakal;
hanggang sa dumating ang isang sandali na siya’y subukin
nitong Panginoon, na siyang nangakong siya’y tutubusin.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ang kinasangkapan niya’y isang hari, siyang nagpalaya,
pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.
Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,
sa buong lupain, si Jose’y ginawa niyang katiwala.

Gunitain nang malugod
ang dakilang gawa ng D’yos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 3, 16

Pag-ibig sa sanlibutan
ng D’yos ay gayun na lamang,
kanyang Anak ibinigay
upang mabuhay kailanman
ang nananalig na tunay.

MABUTING BALITA
Mateo 21, 33-43. 45-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

“Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamahang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siya naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
At ito’y kahanga-hanga!’

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.

Narinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Hesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Dadakpin sana nila siya, ngunit natatakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Habang pinagninilayan ang babala sa Ebanghelyo tungkol sa pangangailangang mamunga, ihain natin ang ating mga kahilingan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ubasan, pagpalain Mo ang aming mga buhay.

Ang Santo Papa nawa’y makatanggap ng liwanag, lakas, at tulong sa kanyang pag-akay sa Simbahan sa mga panahong ito ng kahirapan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga isipan nawa’y mapuspos ng kapayapaan ng Diyos na naghahatid ng walang hanggang kagalakan at walang katapusang kaligayahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga sariling buhay nawa’y makapagbigay tayo ng bunga ng pag-ibig, pagpapatawad, katarungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y hindi panghinaan ng loob sa gitna ng kanilang dinaranas na mga pagsubok at sa halip ay palakasin ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng kanilang walang hanggang kapahingahan sa iyong Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagpapasalamat kami sa iyo para sa iyong tapat na pag-ibig. Tulungan mo kaming mapaglingkuran ka nang buong-puso at mamuhay nang karapat-dapat sa iyong pagtawag sa amin. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moro-Moro Lamang

 78,722 total views

 78,722 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 94,121 total views

 94,121 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 106,576 total views

 106,576 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 117,179 total views

 117,179 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 127,829 total views

 127,829 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 24,250 total views

 24,250 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 24,481 total views

 24,481 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 24,962 total views

 24,962 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 16,972 total views

 16,972 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 17,081 total views

 17,081 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top