Huwebes, Hulyo 3, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,411 total views

Kapistahan ni Apostol Santo Tomas

Efeso 2, 19-22
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Juan 20, 24-29

Feast of St. Thomas, Apostle (Red)

UNANG PAGBASA
Efeso 2, 19-22

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116. 1. 2.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Purihin ang Panginoon!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa,
siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

ALELUYA
Juan 20, 29

Aleluya! Aleluya!
Mapalad at maligaya
Ang sumasampalataya
Sa di nakita ng mata!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 24-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay hindi nila kasama nang dumating si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.”

Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad, kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 3
Apostol Santo Tomas

Taglay ang pananampalataya ni Kristong Muling Nabuhay, na ang mga sugat ang tanda ng kanyang tagumpay, ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Ama ng habag.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, tulungan mo kami sa aming kahinaan.

Bilang isang Simbahan, nawa’y hindi tayo magkulang sa pagpapahayag ng ating pananampalataya sa mga taong hindi sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Simbahan sa Asya nawa’y magkaroon ng paglago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nakalugmok sa pagiging makasalanan at kawalan ng pananampalataya nawa’y mapangibabawan ang kanilang pag-aalinlangan at yakapin ang tunay na pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa buhay, lalo na ang mga maysakit at nangungulila, nawa’y magtamasa ng kagalakan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, sa pagluluhog namin sa iyo ng aming mga kahilingan, palalimin mo ang aming pananampalataya, upang tulad ni Santo Tomas, ibigin at sambahin namin ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 83,413 total views

 83,413 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,704 total views

 111,704 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 157,636 total views

 157,636 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 190,718 total views

 190,718 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 213,784 total views

 213,784 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 818 total views

 818 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,376 total views

 2,376 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 3,822 total views

 3,822 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,249 total views

 5,249 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,036 total views

 7,036 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top