Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 92,143 total views

Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay kung hanggang saan ipagkatiwala sa taumbayan at media ang mga impormasyon na tutulong upang ma-expose ang mga nagaganap na katiwalian sa alinmang ahensiya at sangay ng pamahalaan.

Para sa tunay at makatotohanang krusada upang matigil na ang laganap na korapsyon, nararapat bigyan ng gobyerno ng kagya’t at permanenting online access ang publiko at media sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng lahat lokal at nasyunal na kandidato. Mahalaga din na isapubliko ang Statement of Assets Liabilities Network (SALN) ng lahat ng public officials.

Hindi rin dapat itinatago ng administrasyong Marcos ang lahat ng infrastructure appraisal, approval at budget documents. Ilahad sa publiko at media ang lahat ng gagawing Congressional insertions, pagbabago at re-alignments sa pondo ng mga government projects. Kung walang itinatago ang administrasyon, dapat ding malaman ng publiko at media ang lahat ng project bid evaluations at mga resolusyon. Ibalandra din dapat ang lahat ng joint venture agreements at Public-Private Partnership contracts… Ilatag din ng administrasyon ang lahat ng project inspection at assessment reports., gayundin din ang lahat ng Commission on Audit (COA) reports. Kapag nagawa ito ng administrasyong Marcos, magkakaroon ng tiwala ang mamamayang Pilipino na seryoso at determinado ang kasalukuyang pamahalaan na walisin o di kaya’y unti-unting mapigilan ang tila nagiging kultura na katiwalian sa ating bayan.

Kapanalig, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng makatotohanang, tuloy-tuloy, kumpleto at makatotohang impormasyon ay mabibigyan ng kapangyarihan ang mamamayang Pilipino at media na isiwalat ang anumang kamalian sa gobyerno, mabasag ang namumuong “culture of impunity” at ganap na maitatag ang “culture of accountability” na matagal nang nawawala sa bansa.

Kapanalig, nararapat makinig at bigyang halaga ng administrasyong Marcos ang pinaka-huling survey ng Pulse Asia na 51-porsiyento ng mga Pilipino ang tiwala sa media at civil society organizations (CSO’s) na mapigilan at maresolba ang suliranin ng korapsyon sa flood control projects ng gobyerno.

Lumabas din sa survey ang kawalan ng tiwala ng taumbayan na mareresolba ng ICI ang multi-bilyong pisong corruption. Bukod dito, atubili din ang taumbayan na matutugunan ng pangulong Marcos Jr., ng anumang ahensiya ng pamahalaan, maging ng Kongreso ang malawakan at tila naging lanrtaran na katiwalian sa pamahalaan.

Kapanalig, huwag tayong maging bystander lamang sa nakakagalit na sistematikong korapsyon., tumulong tayo sa pagpuksa ng masamang gawain na lalung nagpapahirap sa mayorya ng mga maghihirap na Pilipino.

Huwag na tayong magpapaloko sa mga politiko, sa mga opisyal ng pamahalaan dahil hindi na tayo makakaahon sa pagiging alipin.

Ika nga ng PETER 2:19 “They promise them freedom, but they themselves are slaves of corruption. For whatever overcomes a person, to that he is enslaved.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 14,121 total views

 14,121 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 84,233 total views

 84,233 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,847 total views

 158,847 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,926 total views

 238,926 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,619 total views

 281,619 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 14,122 total views

 14,122 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 84,234 total views

 84,234 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,848 total views

 158,848 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,927 total views

 238,927 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top