Pagtulong sa mga nangangailangan, diwa ng kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

Pagtulong at pagsisilbi sa mga nangangailangan ang tunay na diwa ng Kuwaresma.

Ito ang paalala ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, national director ng CBCP NASSA / Caritas Philippines kaugnay sa tunay na diwa ng Kuwaresma.

Ayon kay Archbishop Tirona, ang kuwaresma ay panahon ng pag-aayuno at pagtulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga dukha at mga biktima ng iba’t ibang trahedya.

“ang Kwaresma ay panahon ng pag-iisip ng kapakanan ng ibang tao at hindi lang ang ating sarili.Kaya sikapin nating mag-ambag tumulong sa ikabubuti ng ating mga kababayan lalo na ng mga dukha at bilang paghahanda na rin ito sa anumang sakuna …”pahayag Archbishop Tirona sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na ang tunay na pagsasakripisyo at ang pag-aalay ng sarili ay pakikiisa sa ginawang pagsasakripisyo ng Diyos sa kanyang bugtong na anak na si Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Unang nanawagan ng tulong ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na makiisa sa mga programa ng Simbahan ngayong Kwaresma tulad ng Fast to Feed ng Hapag-asa Program ng Archdiocese of Manila na kumakalinga at tumutugon sa pangangailangan ng 20 libong malnourished at nagugutom na mga batang lansangan at sa mga parokya ng arkidiyosesis.

Sa tala, mula sa halagang 1,200 piso sa loob ng anim na buwan o sampung piso kada araw ay naibabalik na ng Fast To Feed Program ang maayos at malusog na pangangatawan ng mga batang mahihirap.

read: http://www.veritas846.ph/suportahan-ang-fast2feed-program-cardinal-tagle/

Tinukoy din ni Cardinal Tagle ang Alay Kapwa program ng Simbahan na tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,662 total reads

 59,662 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,724 total reads

 138,724 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,169 total reads

 172,169 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,467 total reads

 207,467 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,573 total reads

 431,573 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top