Linggo, Marso 1, 2026

SHARE THE TRUTH

 274 total reads

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Genesis 12, 1-4a
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

2 Timoteo 1, 8b-10
Mateo 17, 1-9

Second Sunday of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Genesis 12, 1-4a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Abram: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami.

Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain,
ngunit kapag sinumpa ka, sila’y aking susumpain;
ang lahat ng mga bansa pihong ako’y hihimukin,
na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpapalain din.”
Sumunod nga si Abram sa utos ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y binubuhay.

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
Siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na ang aming makamit,
O Poon ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa’yo nasasalig!

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 1, 8b-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal kong kapatid:

Makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang haggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:

Sa ulap na maliwanag
ito ang siyang pahayag
ang D’yos Ama na nangusap:
“Ito ang mahal kong Anak,
lugod kong dinggin ng lahat.”

MABUTING BALITA
Mateo 17, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasubasob. Nguni’t nilapitan sila ni Hesus at hinipo. “Tumindig kayo,” sabi niya, “huwag kayong matakot.” At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

NO REGRETS

 33 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

MULTIPLY

 1,041 total reads

Gospel Reading for November 18, 2026 – Luke 19: 11-28

MULTIPLY

While people were listening to Jesus speak, he proceeded to tell a parable because he was near Jerusalem and they thought that the Kingdom of God would appear there immediately. So he said, “A nobleman went off to a distant country to obtain the kingship for himself and then to return. He called ten of his servants and gave them ten gold coins and told them, ‘Engage in trade with these until I return.’ His fellow citizens, however, despised him and sent a delegation after him to announce, ‘We do not want this man to be our king.’ But when he returned after obtaining the kingship, he had the servants called, to whom he had given the money, to learn what they had gained by trading. The first came forward and said, ‘Sir, your gold coin has earned ten additional ones.’ He replied, ‘Well done, good servant! You have been faithful in this very small matter; take charge of ten cities.’ Then the second came and reported, ‘Your gold coin, sir, has earned five more.’ And to this servant too he said, ‘You, take charge of five cities.’ Then the other servant came and said, ‘Sir, here is your gold coin; I kept it stored away in a handkerchief, for I was afraid of you, because you are a demanding man; you take up what you did not lay down and you harvest what you did not plant.’ He said to him, ‘With your own words I shall condemn you, you wicked servant. You knew I was a demanding man, taking up what I did not lay down and harvesting what I did not plant; why did you not put my money in a bank? Then on my return I would have collected it with interest.’ And to those standing by he said, ‘Take the gold coin from him and give it to the servant who has ten.’ But they said to him, ‘Sir, he has ten gold coins.’ He replied, ‘I tell you, to everyone who has, more will be given, but from the one who has not, even what he has will be taken away. Now as for those enemies of mine who did not want me as their king, bring them here and slay them before me.’”

After he had said this, he proceeded on his journey up to Jerusalem.

————

The people thought that he would already establish the Kingdom of God in Jerusalem. So, Jesus told them this parable, likening himself to a man who left for a distant country to obtain kingship. However, before leaving, he entrusted gold coins to his servants so they could engage in trade until his return. Upon becoming king, he asked his servants to account for the coins he had given them. The first two servants dutifully used the coins, earning a hundred percent more, but the third servant simply kept his one and only coin because he was afraid of his master, whom he thought was demanding and who harvested what he did not plant.

When Christ, the King of the Universe, comes back to sit in judgment on how we have used the gifts God has given us, it will not be the number of gifts or talents we were given that matters, but how we used them to MULTIPLY God’s goodness in the world through these gifts and talents. Did we use them to feed the hungry or those who have hardly anything to eat; to give drink to the thirsty, including those thirsty for spiritual life; to welcome strangers or those rejected by others; to clothe the naked or help those who could not afford the basic necessities of life; to care for the sick, especially those who have no one to visit them; and to visit those in prison, including those locked up within themselves?

What is most important is not how much we have, but how we use what we have during our lifetime. God looks at the results.

Lord Jesus, teach us to use our gifts for the building of your Kingdom here on earth!

Special treatment?

 95,069 total reads

Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal na gumimbal sa ating lahat noong isang taon. 

Noong Setyembre lang siya idinetine matapos sampahan ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman. Lampas pitong bilyong piso ang halaga ng kickback na natanggap niya umano mula sa mga maanomalyang flood control at infrastructure projects. Hindi siya maaaring magpiyansa kaya kailangan siyang ilagay sa bilangguan habang dinidinig ang kanyang kaso.

Pero hindi katulad ng mga ordinaryong mamamayan na may kinahaharap na kaso, nagkaroon muna siya ng pagkakataong manatili sa ospital kung saan inihain ang kanyang warrant of arrest. May medical condition daw siya noon na kailangang tutukan ng mga doktor. Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado—bagay na wala rin ang mga ordinaryong tao na kinakasuhan—nagawa niyang manatili sa ospital sa loob ng isang linggo. Iniutos ng Sandiganbayan na ilipat siya sa New Quezon City Jail at sumailalim sa medical evaluation sa UP-PGH; idineklara siyang “clinically stable” at kayang manatili sa regular na bilangguan.

Kamakailan, natuklasang may personal assistant ang dating House Speaker. Pinayagan daw ito for humanitarian reasons, partikular ang pangangailangang tutukan ang kanyang “unstable mental condition.” Kulang daw kasi ang mga tauhan ng pasilidad para tutukan ang mga nasa kanilang pangangalaga. Lumabas din sa inspeksyon ng Sandiganbayan na walang CCTV cameras na malapit sa selda ni Congressman Romualdez. Kumalat din ang mga balitang sinasadyang patayin ang kuryente para hindi mahagip ng mga CCTV cameras ang paglabas ni Congressman Romualdez gamit ang ambulansya ng piitan.

Kung bibisita kayo, mga Kapanalig, sa ating mga bilangguan, makikita ninyo kung gaano kalayo ang kalagayan ni Congressman Romualdez at iba pang tinatawag na high-profile inmates sa mga ordinaryong persons deprived of liberty (o PDL). 

Nagsisiksikan ang mga ordinaryong PDLs sa isang dormitoryo na dapat ay para lamang sa 10 hanggang 20 na inmates, pero umaapaw ang mga ito dahil sa kakulangan ng espasyo. 

Wala silang choice kundi ang umasa sa kung anong meron sa kanilang clinic o sa kapwa nila bilanggo para sa pangangalagang medikal. Dahil hindi ganoon kadali ang access sa ambulansya at ospital, marami sa mga maysakit ang lumalala ang kanilang kondisyon sa loob ng kulungan. Iba pa ang kalusugang pangkaisipan o mental health na talaga namang napapabayaan na.  

Hindi sila pinapayagang magkaroon ng personal assistants o dalawin sa mas mahabang panahon. Tila dumadaan sa butas ng karayom ang mga mahal sa buhay na gusto silang bisitahin. Wala rin silang mga legal team na magtitiyak na napangangalagaan ang kanilang mga karapatan at nasusubaybayan ang kanilang kaso.

Bago pa man mapunta sa bilangguan, ang mga ordinaryong PDL ay hinuhuli agad at inilalagay sa mga piitan kahit pa maliit ang krimen na kanilang ginawa o kahit pa may sakit. Walang hospital arrest.

May mga karapatang pantao ang lahat ng mga PDL. Ito ang dahilan kung bakit nararapat pa rin silang tratuhin nang maayos kahit pa humaharap sa proseso ng pagpapanagot sa batas. Pero kung naibibigay sa isang high-profile inmate ang isang maayos na kondisyon sa kulungan, bakit hindi ito magawa sa lahat ng mga bilanggo? Pinahahalagahan sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang katarungan, at hinihingi ng katarungan na ang batas ay dapat ipinatutupad ng pantay sa lahat—walang pinapaboran, walang kinikilingan, walang isinasaalang-alang na yaman, kapangyarihan, at katayuan sa buhay. Ang special treatment sa mga bilangguan, gaya ng pahiwatig sa Deuteronomio 16:19, ay “[pagpilipit sa] katarungan.”

Mga Kapanalig, dahil sa kanilang dignidad, walang bilanggo ang dapat magdusa sa kalunos-lunos na kalagayan sa mga kulungan—dating speaker ka man o ordinaryong bilanggo.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 95,070 total reads

 95,070 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 180,460 total reads

 180,460 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 244,299 total reads

 244,299 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 324,676 total reads

 324,676 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 403,302 total reads

 403,302 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 30,199 total reads

 30,199 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 32,721 total reads

 32,721 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 34,806 total reads

 34,806 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 33,323 total reads

 33,323 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 34,424 total reads

 34,424 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top