Enerhiya at Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Kapanalig, nakakamamangha ang enerhiya, ang elekstrisidad. Ito ay tumutulak sa pagsulong ng sibilisasyon. Ito ang backbone ng maraming ekonomiya sa buong mundo. Gaano ba natin naiintindihan ito? Gaano ba natin napapangalagaan ang mga sources o pinanggagalingan nito?
Para magkaroon ng enerhiya, maraming komplikadong proseso ang ginagawa at nagaganap. Base sa National Power Corporation, ang mga sources ng ating enerhiya ay coal, oil, natural gas at nukleyar. Ito ay mga non-renewable, ngunit meron din naman tayong mga non-renewable sources, kaya lamang maliit na bahagi lamang sila ng energy supply sa bayan. Ang mga ito ay solar, wind, hydroelectric, biomass at geothermal.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang Pilinas ay “largely coal-consuming country.” Ibig sabihin nito, ang malaking bahagi ng ating energy supply ay mula sa coal. Tinatatayang 45% ng ating energy supply mix ay mula sa coal, habang 25% ay mula sa renewable energy sources.
Ang paglaki ng share o bahagi ng renewable energy sources sa ating power supply mix ay isang dakilang ambisyon. Ito kasi ay isang paraan upang hindi ma-deplete o maubos ang ating natural resources o ma-pollute ito dahil sa lumalaking energy demand sa ating bansa. Base sa datos ng DOE, ang peak demand growth rate sa bansa noong 2014-2015 ay naitala sa 8.1% sa Visayas Grid, 2.4% para sa Luzon at 3.3% sa Mindanao.

Ang mataas na antas ng pag-gamit ng enerhiya ay malaki ang balik sa kalikasan. Ang coal production kapanalig, na major source ng enerhiya sa buong mundo, ay nakakapagpalala ng climate change. Nag-bubuga to ng carbon at methane, mga greenhouse gases, na naiipon sa ating kalawakan na siyang nagpapa-init ng ating mundo.

Ang ating pag-gamit ng enerhiya, kapanalig, ay may direktang epekto sa kalikasan. At ang patuloy nating pagiging “energy inefficicent” ay isa sa malalaking dahilan ng pagtaas ng demand sa enerhiya. Habang tumataas ang demand na ito, nagmamahal ang halaga ng enerhiya habang unti unting nasisira naman ang kalikasan.

Kapanalig, kailangan nating magbago. Sabi ni Pope Benedict sa Caritas in Veritate: One of the greatest challenges facing the economy is to achieve the most efficient use — not abuse — of natural resources. Ito ay hamon na dapat nating tanggapin at yakapin dahil nakasalalay dito ang kinakabukasan hindi lamang ng kalikasan, kundi ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,742 total reads

 13,742 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,503 total reads

 48,503 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 84,985 total reads

 84,985 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,197 total reads

 103,197 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,813 total reads

 186,813 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,743 total reads

 13,743 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,504 total reads

 48,504 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 84,986 total reads

 84,986 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,198 total reads

 103,198 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top