Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total reads

World Water Day kahapon kapanalig, March 22. Naiisip mo ba kung gaano kahalaga ang tubig sa ating buhay? Naiisip mo ba na napaka-raming banta at hamon sa water supply sa ating bansa gayun din sa iba pang parte ng mundo?
Kapanalig, ang maling pag-gamit ng tubig, ang sobrang pag-gamit ng tubig, at polusyon ay mga pangunahing banta sa ating water supply.
Sa ating bahay, napapansin mo ba kung paano natin nasasayang ang tubig? Sa pagsipilyo, gumagamit ka ba ng baso? Sa paglalaba, pinapapa-apaw mo lang ba ang tubig sa batya? Ito ay ilan lamang sa mga maliit nating gawain kung saan laging nasasayang ang tubig. Inefficient at wasteful ang pag-gamit natin ng tubig. Sa Asya, ayon sa Asian Development Bank (ADB), 70% ng tubig ay ginagamit sa irigasyon pero marami rito ang nasasayang. Maraming nasasayang habang 260 milyong tao naman sa rehiyon ang walang access sa improved drinking water at 1.5 billion naman ang walang access sa sanitasyon.
Ang polusyon sa tubig, kapanalig, ay malaking hamon din sa atin. Ang Manila Bay ay isang ebidensya ng water pollution sa ating bansa. Basura at plastic ang makikita sa baybayin nito. Base sa pagsasaliksik ng Water Environment Partnership in Asia (WEPA), dahil sa water pollution, mga $1.3 billon ang nawawala sa ating bansa kada taon. Umaabot nga ng 58% ng mga tested groundwater ang kontaminado na ng coliform. Hindi tuloy nakakapagtaka na ang mga pangunahing sakit ng mga batang limang taon pababa ay diarrhea.
Kung walang pagbabago sa ating pag-gamit ng tubig, napipintong magkaroon ng water shortage sa ating bansa pagdating ng 2040. Ayon sa World Resources Institute, pang 57 sa 167 ang ating bansa na magiging most water stressed country pagdating ng 2040. Ang napipintong water shortage ay mas lalala dahil na rin sa climate change at lumalaking populasyon.
Kapanalig, malaking pagbabago ang hinihiling sa atin ng pagkakataon. Sa ngayon, hindi pa natin dama ang kakulangan sa tubig, ngunit nadadama na natin ang epekto ng polusyon nito. Buhay ang kapalit ng kapabayaan sa sitwasyon na ito.
Tayo ay stewards o tagapamalakaya ng kalikasan at lahat ng natural resources. Ito ay dakila at sagrado nating responsibilidad. Tayo ay nataasang guardians of nature, pero kung titingnan mo ang estado ng tubig sa ating bansa, tila mahina tayo sa pag-ganap ng mahalagang papel na ito.
Paalala ng Caritas in Veritate, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Ang kalikasan ay biyaya ng Panginoon para sa lahat. Sa ating pag-gamit nito, may responsibilidad tayo sa maralita, sa darating na henerasyon, at sa buong sangkatauhan.
Sa kalikasan, kasama ang tubig, nakikita ng nanalig ang kamay ng Panginoon, na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Kapag nakakalimot tayo na lahat ay mula sa Kanya, naabuso natin ang lahat ng nilikha. Ang kapabayaan sa kalikasan ay senyales ng ating pagkalayo sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,628 total reads

 8,628 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,696 total reads

 43,696 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,180 total reads

 80,180 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,391 total reads

 98,391 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,267 total reads

 182,267 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,629 total reads

 8,629 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,697 total reads

 43,697 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,181 total reads

 80,181 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,392 total reads

 98,392 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top