Martes, Abril 14, 2026

SHARE THE TRUTH

 3,758 total views

Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 4, 23-27
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Juan 3, 7b-15

Tuesday of the Second Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 32-37

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol

Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Gayun ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Chipre, kaya’t Bernabe ang itinaguri sa kanya ng mga apostol, ibig sabihi’y “Matulungin.” Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 92, 1ab. 1k2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

o kaya: Aleluya!

Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ikaw’y naroon na.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

ALELUYA
Juan 3, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang Anak ng Tao’y dapat
na itampok at itaas
upang lahat ay maligtas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 7b-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, ‘Lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.” “Paano pong mangyayari ito?” tanong ni Nicodemo. Sumagot si Hesus, “Guro pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko’y tungkol sa mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao.

“At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama, na sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, ay muling nabuhay si Kristo at siya ring magbibigay ng buhay sa ating mga mortal na katawan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng langit at lupa, pagpalain Mo kami.

Ang mga ginawaran ng katungkulan nawa’y pukawin ng Espiritu sa pagtupad ng kanilang pamumuno ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang patuloy na panibaguhin sa Espiritu ang ating mga sarili at lumago tungo sa kaganapan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa lahat ng nakikiisa sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito, nawa’y matulungan natin ang isa’t isa nang may pag-ibig na nagpapahayag sa Santatlo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maipagamot at mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y magdiwang sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ibuhos mo ang iyong Espiritu sa aming mga puso upang baguhin ang aming buhay sa pamamagitan ng buhay na kaloob sa amin ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 23,314 total views

 23,314 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 29,443 total views

 29,443 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 59,585 total views

 59,585 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 79,901 total views

 79,901 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 100,474 total views

 100,474 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 1, 2026

 100 total views

 100 total views Paggunita kay San Justino, martir 2 Pedro 1, 2-7 Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16 D’yos kong tapat at totoo, ikaw lang ang pag-asa

Read More »

Linggo, Mayo 31, 2026

 1,228 total views

 1,228 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A) Exodo 34, 4b-6. 8-9 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal

Read More »

Sabado, Mayo 30, 2026

 2,483 total views

 2,483 total views Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Judas 17, 20b-25 Salmo 62, 2.

Read More »

Biyernes, Mayo 29, 2026

 4,079 total views

 4,079 total views Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa 1 Pedro 4, 7-13 Salmo 95, 10. 11-12.

Read More »

Huwebes, Mayo 28, 2026

 5,142 total views

 5,142 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top