Biyernes, Mayo 15, 2026

SHARE THE TRUTH

 7,624 total views

Paggunita kay San Isidro, magsasaka

Mga Gawa 18, 9-18
Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7

Hari ng sangkalupaan
D’yos na Makapangyarihan.

Juan 16, 20-23a

Memorial of St. Isidore the Farmer (Labrador), Married Man (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 18, 9-18

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Isang gabi, sinabi ng Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng isang pangitain, “Huwag kang matakot! Ipagpatuloy mo ang iyong pangangaral! Anuman ang mangyari’y huwag kang titigil, sapagkat ako’y sumasaiyo. Hindi ka maaano, sapagkat marami akong tagasunod sa lungsod na ito.” Tumigil siya roon sa loob ng isang taon at anim na buwan at nagturo ng salita ng Diyos.

Nang si Galion ang maging gobernador ng Acaya, nagkaisa ang mga Judio na dakpin si Pablo at dalhin sa hukuman. “Hinihikayat nito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa isang paraang labag sa batas!” wika nila. Magsasalita na sana si Pablo nang sabihin ni Galion, “Kung ang usaping ito’y tungkol sa isang mabigat na pagkakasala o paglabag sa batas, makatwirang pakinggan ko kayo. Subalit ang sakdal ninyo’y tungkol lamang sa mga salita at mga pangalan at sa kautusan ninyong mga Judio, kaya hindi ko kayo hahatulan sa bagay na iyan. Bahala na kayo! At sila’y pinalabas niya sa hukuman. Sinunggaban nila si Sostenes, ang taga-pamahala ng sinagoga, at binugbog sa labas ng hukuman. Ngunit hindi ito pinansin ni Galion.

Pagkatapos nito, ilang araw pang nanatili si Pablo sa Corinto, saka nagpaalam sa mga kapatid. Pagdating sa Cencrea, nagpaputol siya ng buhok sapagkat natupad na ang isang panatang ginawa niya. At naglayag siya patungong Siria, kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7

Hari ng sangkalupaan
D’yos na Makapangyarihan.

o kaya: Aleluya.

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
siya’y naghahari sa sangkatauhan.

Hari ng sangkalupaan
D’yos na Makapangyarihan.

Tayo’y pinagwagi sa lahat ng tao,
sa lahat ng bansa’y namahala tayo;
siya ang pumili ng ating tahanan,
ang lupang minana ng mga hinirang.

Hari ng sangkalupaan
D’yos na Makapangyarihan.

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!

Hari ng sangkalupaan
D’yos na Makapangyarihan.

ALELUYA
Lucas 24, 46. 26

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y laang magtiis
nang tagumpay ay nakamit
at sumaatin ang langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 20-23a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: tatangis kayo at magdadalamhati, ngunit magagalak ang sanlibutan. Matitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito’y magiging kagalakan. Kapag nagdaramdam na ang isang babaing manganganak, siya’y nahahapis, sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap. Ngunit pagkapanganak, hindi na niya naaalaala ang hirap; siya’y nagagalak dahil sa ipinangangak na sa sanlibutan ang isang sanggol. Gayun din naman kayo: nalulumbay kayo ngayon, ngunit muli akong makikipagkita sa inyo at mag-uumapaw sa puso ninyo ang kagalakang hindi maaagaw ninuman.

Hindi na kayo kailangang magtanong sa akin sa araw na iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Habang inaasam natin at hinihintay ang kaligayahan ng Langit, manalangin tayo na ipagkaloob sa atin ang lakas upang maisabuhay nang lubos ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Puspusin Mo kami ng iyong kagalakan, O Panginoon.

Bilang Bayan ng Diyos, tayo nawa’y umako sa krus ni Kristo at maging buhay na mensahe ng pag-asa sa mga taong ipinagkatiwala sa pangangalaga natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nawawalan ng pag-asa nawa’y pasiglahing muli sa kagalakang nagmumula sa makapangyarihang Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa nawa’y palakasin at mapagtiisan ang sakit na kanilang nadarama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng lakas at ginhawa ng kalooban sa pamamagitan ng ating pag-aalaga at malasakit sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y magpahingalay sa kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, palakasin mo kami sa pagharap sa mga pagsubok tulad nang ginawa ng iyong Anak. Tulungan mo kami, sa pamamagitan ng biyaya ng iyong Espiritu, na mapagtiisan ang mga paghihirap sa buhay na ito nang may kagalakan dahil sa pagkabatid na may kaligayahang naghihintay sa Langit para sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

SINCE THE BEGINNING

 841 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 929 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 11,806 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte sa búhay ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, may pakiusap si Senator-Judge Robin Padilla: “Sana hindi one-sided ang ating prosecution.”

Nag-ugat ang apelang ito ng senador sa pagkuha daw ng prosekusyon ng mga testigong may kinakaharap na kaso at kuwestiyonableng kredibilidad. Nang araw na iyon, nakaupo sa witness stand si NBI Director Melvin Matibag, kasunod nina NBI Senior Agent Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc na tumestigo noong mga nakalipas na linggo. Sabi ng senador, may mga nakabinbing perjury case ang mga taga-NBI; ang perjury ay isang krimen ng sadyang pagsasabi ng kasinungalingan habang nakasumpa (o under oath) sa harap ng opisyal na may awtoridad na tumanggap ng sinumpaang salaysay. Paliwanag naman ng prosekusyon, napatunayan nilang walang nakabinbing mga kaso laban sa mga testigong inimbitahan mula sa NBI. 

Nahirapan lang siguro si Senador Padilla na ipaliwanag ang kanyang punto, pero mabilis na naging usap-usapan ang kanyang pakiusap. Tandaan natin: mandato ng prosekusyon sa isang impeachment trial na patunayang guilty ang akusado. Natural na one-sided sila kasi sila ang tagausig sa taong inirereklamo. Nakatuon sila sa paglalatag ng mga ebidensya, kabilang ang testimonya ng iimbitahan nilang mga testigo. Trabaho naman ng defense na ipagtanggol ang kanilang kliyente, bantayan na napoprotektahan ang karapatan niya, at magpakita ng tinatawag na reasonable doubt. Sabi nga ng House lead prosecutor na si Batangas Representative Gerville Luistro, ang impeachment trial ay “adversarial” o likás na magkakabangga ang magkabilang panig. 

Sino ang dapat hindi one-sided

Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat na nasa gitna. Bilang miyembro ng impeachment court, nanumpa silang maging patas at walang kikilingan. Ang kanilang magiging desisyon ay dapat alinsunod sa Konstitusyon at sa mga batas ng bansa, hindi sa kanilang katapatan sa isang tao o pamilya. Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat hindi one-sided.

Sa itinatakbo ng impeachment trial, marami ang nakapapansing hindi maitago ng ilang senator-judges ang kanilang pagiging biased o pagiging may kinikilingan. Sa halip na busisiin ang mga ebidensyang inihaharap sa kanila at himayin ang mga testimonyang naririnig nila, nagmimistula silang parte ng defense team ni VP Sara. Hinaharang nila ang paglalabas ng desisyong ipa-subpoena ng impeachment court ang financial at tax records ng bise presidente. Inililihis nila ang usapan palayo kay VP Sara tungo kay PBBM. May mga pagkakataon pang pinupuri nila ang defense team. Sa mga ganitong nakikita ng publiko, hindi maiwasang magduda ng ilan kung may saysay pa ba ang impeachment trial. Alam naman na raw natin kung sino ang boboto para ipawalang-sala si VP Sara.

Malayo man sa sikmura, ‘ika nga, ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial, may pangmatagalang epekto ito sa ating buhay. Dito nasusubok kung matatag ba ang ating mga sistema para panagutin ang mga lider nating gumagawa ng mali at umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Kung walang impeachment, magpapatuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at malayang makapagbabanta sa buhay ng mga tao ang mga nasa posisyon. Ang mga ito dapat ang laging isinasaisip at isinasapuso ng ating mga senator-judges, hindi ang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga padron sa pulitika o ang pagkapit sa mga maimpluwensyang magpapanalo sa kanila sa eleksyon.

Mga Kapanalig, akmang paalala sa ating mga senador na tumatayong hukom ngayon ang mga salitang ito sa Mga Kawikaan 24:23: “Hindi dapat magtangì sa pagpapairal ng katarungan.” Nakasalalay sa Senado kung paiiralin nila ang katarungan o kung titiklop lang ito sa mga pulitikal na interes at magiging one-sided.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 11,807 total views

 11,807 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 130,914 total views

 130,914 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 159,206 total views

 159,206 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 205,138 total views

 205,138 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 237,672 total views

 237,672 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 1,006 total views

 1,006 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 2,830 total views

 2,830 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 4,388 total views

 4,388 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 5,499 total views

 5,499 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 6,588 total views

 6,588 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top