Lunes, Mayo 18, 2026

SHARE THE TRUTH

 10,011 total views

Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir

Mga Gawa 19, 1-8
Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Juan 16, 29-33

Monday of the Seventh Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. John I, Pope and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 19, 1-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Samantalang nasa Corinto si Apolos, si Pablo nama’y naglagos sa mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang dumating sa Efeso. May natagpuan siya roon ilang alagad, at tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang sumampalataya kayo?” “Hindi po,” tugon nila. “Ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo.” “Kung gayun, sa ano kayo nabinyagan?” tanong niya. “Sa binyag ni Juan,” anila. Sinabi ni Pablo, “Ang binyag ni Juan ay tanda ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga Israelita na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, samakatuwid baga’y kay Hesus.” Nang marinig nila ito, sila’y nagpabinyag sa pangalan ng Panginoong Hesus. Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika at nagpahayag ng salita ng Diyos. Sila’y humigit-kumulang sa labindalawang lalaki.

Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo’y pumapasok sa sinagoga at nakikipagtalo sa mga naroon at buong tapang na ipinaliliwanag sa kanila kung ano ang paghahari ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

o kaya: Aleluya!

O mag-alsa sana ang Diyos, ang kaaway pakalatin,
at ang mga namumuhi’y tumakas sa kanyang piling!
Kung paanong yaong ulap tinatangay noong hangin,
gayun sila itataboy, gayun sila papalisin;
at kung pa’nong yaong pagkit sa apoy ay natutunaw,
sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang kanyang ngalan,
ang pangalan niyang banal, magalak na papurihan.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Ang Diyos na naroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 29-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ng mga alagad kay Hesus, “Ngayon po’y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil dito, naniniwala kaming kayo’y mula sa Diyos.” Sumagot si Hesus, “Naniniwala na ba kayo ngayon?” Darating ang oras – at ngayon na nga – na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunma’y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit laksan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Pagkatapos mapagtagumpayan ni Jesus ang mundo, isinugo niya ang Espiritu upang tulungan tayo sa mga hinaharap nating pagsubok at sa ating misyon na magpatotoo sa kanya. Manalangin tayo upang pagkalooban tayo ng lakas at hilingin ang kanyang tulong sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, loobin Mong makasalo kami sa iyong tagumpay.

Ang mga inuusig nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na manindigan sa kanilang paniniwala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga natutukso nawa’y mapaglabanan ang kanilang kahinaan sa pamamagitan ng biyaya ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aalay kay Kristo ng kanilang gawain, propesyon, at negosyo nawa’y makatanggap ng lakas sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa Kristiyanong paraan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na haplos ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng maningning na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, magagawa mo ang lahat ng bagay. Marapatin mong gamitin namin ang iyong kapangyarihan sa lahat ng aming ginagawa para sa iyong ikaluluwalhati. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 13,466 total views

 13,466 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 42,030 total views

 42,030 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 92,044 total views

 92,044 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 87,469 total views

 87,469 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 121,991 total views

 121,991 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hunyo 11, 2026

 960 total views

 960 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 10, 2026

 960 total views

 960 total views Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 18, 20-39 Salmo 15, 1-2a. 4. 5 at 8. 11 D’yos ko, ang

Read More »

Martes, Hunyo 9, 2026

 4,543 total views

 4,543 total views Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 17, 7-16 Salmo 4, 2-3. 4-5. 7-8 Poon, sa ‘mi’y pasikatin, liwanag sa

Read More »

Lunes, Hunyo 8, 2026

 4,099 total views

 4,099 total views Lunes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 17, 1-6 Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Sa pangalan ng Maykapal, tayo

Read More »

Linggo, Hunyo 7, 2026

 4,099 total views

 4,099 total views Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A) Deuteronomio 8, 2-3. 14b-16a Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top