Martes, Mayo 19, 2026

SHARE THE TRUTH

 10,150 total views

Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 20, 17-27
Salmo 67, 10-11. 20-21

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Juan 17, 1-11a

Tuesday of the Seventh Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 17-27

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, mula sa Mileto, si Pablo’y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa simbahan roon. Pagdating nila ay kanyang sinabi:

“Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na ako’y tumuntong sa Asia. Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay. Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayon sa utos ng Espiritu, ako’y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin doo’y pagkabilanggo at kapighatian. Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus — ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.”

“Nakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. Kaya’t sa araw na ito’y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo. Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 10-11. 20-21

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

o kaya: Aleluya.

Dahil sa ’yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo na’y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamataya’y hinahango tayo agad.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 14, 16

Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espiritu’y isugo n’ya
upang sumainyo t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 1-11a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika, “Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggang sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.”

“Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayo’y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.”

“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako’y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

SINCE THE BEGINNING

 300 total views

Gospel Reading for July 27, 2026 – Matthew 13: 31-35

SINCE THE BEGINNING

Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven is like a mustard seed that a person took and sowed in a field. It is the smallest of all the seeds, yet when full-grown it is the largest of plants. It becomes a large bush, and the ‘birds of the sky come and dwell in its branches.’” He spoke to them another parable. “The Kingdom of heaven is like yeast that a woman took and mixed with three measures of wheat flour until the whole batch was leavened.” All these things Jesus spoke to the crowds in parables. He spoke to them only in parables, to fulfill what had been said through the prophet: I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world.

————

In short, the Kingdom of heaven is certain to grow, even if it begins as small as a mustard seed. Jesus’ words about the Kingdom of heaven give us hope that, despite the evil around us, every good thing we do is never lost. The Kingdom of heaven will never cease, for it has existed SINCE THE BEGINNING—the eternal dwelling place of God.

Let us not waste the time God has given us on things that have no lasting value in heaven. Our journey begins here on earth, but the ultimate goal of every Christian is to reach heaven.

Lord Jesus, help us to bring a foretaste of heaven to earth by living according to your will. Amen.

Intimacy, idolatry

 331 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year II, 27 July 2026
Jeremiah 13:1-11     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 13:31-35
Photo by author, Mt. St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, June 2017.
How lovely and so practical,
O God,
is your portrayal to us today
of your intimacy with us
like a "linen loincloth":
the most simple and
ordinary part of our clothing
we take for granted
yet so important and crucial
because it is so close,
so intimate to our skin,
to our private parts;
an intimacy we take
for granted because
it is something hidden,
too personal.

But,
do we really care at all?

For, as close as the loincloth clings to a man’s loins, so had I made the whole house of Israel and the whole house of Judah cling to me, says the Lord; to be my people, my renown, my praise, my beauty. But they did not listen (Jeremiah 13:11).

Like that linen loincloth
you asked Jeremiah to hide
and retrieve later from a river,
ending up as "rotted, good for nothing",
we have betrayed you Lord, 
we have abandoned you
to follow our many idols
and false gods by keeping
you in name,
in rituals and rites
yet compromising your
laws and teachings
with the ways of the world;
we pretend to be close
and intimate with you,
Lord while choosing to be
fence-sitters in situations
demanding we make a stand
for you,
for what is true,
for what is good.
True intimacy with you,
O God is found 
in the most private
moments when we
choose you,
when we abide in you,
when we uphold your teachings
and live in your ways
of justice and love,
kindness and mercy
especially with those
closest to us;
may we realize, 
O Lord,
that to whom we are
most intimate
and closest in 
following and imitating
is found our Lord and God.
Or sadly,
our mammon too
for where our treasure is,
there our heart is.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 6,175 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte sa búhay ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, may pakiusap si Senator-Judge Robin Padilla: “Sana hindi one-sided ang ating prosecution.”

Nag-ugat ang apelang ito ng senador sa pagkuha daw ng prosekusyon ng mga testigong may kinakaharap na kaso at kuwestiyonableng kredibilidad. Nang araw na iyon, nakaupo sa witness stand si NBI Director Melvin Matibag, kasunod nina NBI Senior Agent Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc na tumestigo noong mga nakalipas na linggo. Sabi ng senador, may mga nakabinbing perjury case ang mga taga-NBI; ang perjury ay isang krimen ng sadyang pagsasabi ng kasinungalingan habang nakasumpa (o under oath) sa harap ng opisyal na may awtoridad na tumanggap ng sinumpaang salaysay. Paliwanag naman ng prosekusyon, napatunayan nilang walang nakabinbing mga kaso laban sa mga testigong inimbitahan mula sa NBI. 

Nahirapan lang siguro si Senador Padilla na ipaliwanag ang kanyang punto, pero mabilis na naging usap-usapan ang kanyang pakiusap. Tandaan natin: mandato ng prosekusyon sa isang impeachment trial na patunayang guilty ang akusado. Natural na one-sided sila kasi sila ang tagausig sa taong inirereklamo. Nakatuon sila sa paglalatag ng mga ebidensya, kabilang ang testimonya ng iimbitahan nilang mga testigo. Trabaho naman ng defense na ipagtanggol ang kanilang kliyente, bantayan na napoprotektahan ang karapatan niya, at magpakita ng tinatawag na reasonable doubt. Sabi nga ng House lead prosecutor na si Batangas Representative Gerville Luistro, ang impeachment trial ay “adversarial” o likás na magkakabangga ang magkabilang panig. 

Sino ang dapat hindi one-sided

Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat na nasa gitna. Bilang miyembro ng impeachment court, nanumpa silang maging patas at walang kikilingan. Ang kanilang magiging desisyon ay dapat alinsunod sa Konstitusyon at sa mga batas ng bansa, hindi sa kanilang katapatan sa isang tao o pamilya. Ang mga senator-judges, kabilang si Senador Padilla, ang dapat hindi one-sided.

Sa itinatakbo ng impeachment trial, marami ang nakapapansing hindi maitago ng ilang senator-judges ang kanilang pagiging biased o pagiging may kinikilingan. Sa halip na busisiin ang mga ebidensyang inihaharap sa kanila at himayin ang mga testimonyang naririnig nila, nagmimistula silang parte ng defense team ni VP Sara. Hinaharang nila ang paglalabas ng desisyong ipa-subpoena ng impeachment court ang financial at tax records ng bise presidente. Inililihis nila ang usapan palayo kay VP Sara tungo kay PBBM. May mga pagkakataon pang pinupuri nila ang defense team. Sa mga ganitong nakikita ng publiko, hindi maiwasang magduda ng ilan kung may saysay pa ba ang impeachment trial. Alam naman na raw natin kung sino ang boboto para ipawalang-sala si VP Sara.

Malayo man sa sikmura, ‘ika nga, ng mga ordinaryong Pilipino ang nagaganap na impeachment trial, may pangmatagalang epekto ito sa ating buhay. Dito nasusubok kung matatag ba ang ating mga sistema para panagutin ang mga lider nating gumagawa ng mali at umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Kung walang impeachment, magpapatuloy ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at malayang makapagbabanta sa buhay ng mga tao ang mga nasa posisyon. Ang mga ito dapat ang laging isinasaisip at isinasapuso ng ating mga senator-judges, hindi ang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga padron sa pulitika o ang pagkapit sa mga maimpluwensyang magpapanalo sa kanila sa eleksyon.

Mga Kapanalig, akmang paalala sa ating mga senador na tumatayong hukom ngayon ang mga salitang ito sa Mga Kawikaan 24:23: “Hindi dapat magtangì sa pagpapairal ng katarungan.” Nakasalalay sa Senado kung paiiralin nila ang katarungan o kung titiklop lang ito sa mga pulitikal na interes at magiging one-sided.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 6,176 total views

 6,176 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 125,617 total views

 125,617 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 153,909 total views

 153,909 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 199,840 total views

 199,840 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 232,635 total views

 232,635 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 809 total views

 809 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 2,633 total views

 2,633 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 4,191 total views

 4,191 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 5,371 total views

 5,371 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 6,460 total views

 6,460 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top