Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Hunyo 15, 2026

SHARE THE TRUTH

 709 total views

Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Hari 21, 1-16
Salmo 5, 2-3. 5-6. 7

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Mateo 5, 38-42

Monday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Hari 21, 1-16

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong panahong iyon, si Nabat ay may ubasan na nasa tabi ng palasyo ni Acab, hari ng Samaria. Nagustuhan ni Acab ang ubasan, kaya’t sinabi niya kay Nabat: “Ibigay mo na sa akin ang iyong ubasan at gagawin kong taniman ng gulay pagkat malapit sa aking palasyo. Papalitan ko ng mas mainam na ubasan, o babayaran sa iyo.”

Ngunit ganito ang naging sagot ni Nabat: “Patawarin ako ng Panginoon, ngunit hindi ko po maibibigay sa inyo ang pamana sa akin ng aking mga ninuno.”

Umuwi si Acab na malungkot at masama ang loob dahil sa sagot ni Nabat. Nagkulong siya sa kanyang silid, hindi makausap at ayaw kumain. Nilapitan siya ni Reyna Jezebel at tinanong: “Ano ba ang isinasama ng loob mo at di ka makakain?”

Sumagot ang hari: “Kinausap ko si Nabat na taga-Jezreel, at inalok ko siyang papalitan o babayaran ang kanyang ubasan. Ngunit tinanggihan ako, at ang sabi’y hindi raw niya maaaring ibigay sa akin ang kanyang ubasan.”

Wika sa kanya ni Jezebel: “Halika na! Kumain ka at huwag ka nang malungkot! Ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat.”

Gumawa ang reyna ng ilang sulat sa ngalan ng hari, tinatakan ng pantatak ng hari, at ipinadala sa mga matatanda at namumuno sa lungsod na tinitirahan ni Nabat. Ganito ang sabi niya sa sulat: “Ipag-utos ninyo ang isang pangkalahatang pag-aayuno. Patayuin ninyo si Nabat sa harapan ng karamihan. Kumuha kayo ng dalawang upahang saksi na maghaharap ng ganitong sumbong laban sa kanya: ‘Tinungayaw niya ang Diyos at ang hari.’ Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”

Tinupad ng matatanda at ng mga pinuno ng lungsod ang utos ni Jezebel. Ipinag-utos nila ang isang pangkalahatang pag-aayuno at iniharap sa madla si Nabat. Lumabas ang dalawang saksi na inupahan at siya’y pinaratangan ng ganito: “Tinungayaw ni Nabat ang Diyos at ang hari.” Kaya’t si Nabat ay inilabas ng lungsod at binato hanggang mamatay. Nagpasabi agad sila kay Jezebel: “Patay na po si Nabat na taga-Jezreel.”

Pagkatanggap ng gayong balita, nagpunta si Jezebel kay Acab at sinabi rito: “Hayan! Kunin mo na ang ubasang hindi mo mabili kay Nabat. Hindi na siya makatututol. Patay na siya.” Nang malaman ni Acab na patay na si Nabat, pumunta siya sa ubasan upang angkinin iyon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 5, 2-3. 5-6. 7

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Ako’y dinggin, Poon, aking Panginoon,
sana’y pakinggan mo ang aking panaghoy;
Diyos ko at hari, lingapin mo ngayon
itong tumatawag at napatutulong.

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Ang gawang masama’y di mo kalulugdan,
ang gawaing hidwa’y di mo papayagan;
ang mga palalo’t masasamang asal,
iyong itatakwil at kasusuklaman.

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Parurusahan mo yaong sinungaling,
pati mararahas at ang mga taksil.

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

ALELUYA
Salmo 118, 105

Aleluya! Aleluya!
Ang salita mo’y liwanag,
tanglaw sa aking paglakad,
sa paghakbang sa ‘yong landas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig ninyo na sinabi: ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Napakabuti sa atin ng ating mapagmahal na Ama. Manalangin tayo sa kanyang mahabaging pag-ibig na nagbunsod ng ating mabuting pakikitungo sa ating kapwa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming ganap sa iyong pag-ibig.

Bilang Bayan ng Diyos, nawa’y maisabuhay natin ang batas ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kaaway maging yaong mga nakasakit at nakagawa sa atin ng masama sa anumang paraan nawa’y mapatawad natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasan ang pagkakahiwa-hiwalay at pagka-makasarili para maiwaksi ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinaging-manhid na ng pagkakasala nawa’y hipuin ng Espiritu ng Panginoon upang magbalik-loob sila at magbagumbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y ligtas na maakay pauwi sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng sambayanan, habang aming itinataas ang mga panalanging ito, tulungan mo kaming magkakasamang lumago at mapaglabanan ang pagkakaaway-away at hindi pagkakasundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 23,454 total views

 23,454 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 25,664 total views

 25,664 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 99,043 total views

 99,043 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 112,374 total views

 112,374 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 140,054 total views

 140,054 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hunyo 14, 2026

 709 total views

 709 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

Sabado, Hunyo 13, 2026

 3,480 total views

 3,480 total views Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria Mga Panaghoy 2, 2. 10-14. 18-19 Salmo 73, 1 – 2. 3-5a. 5b-7. 20-21 Iyong laging

Read More »

Biyernes, Hunyo 12, 2026

 6,200 total views

 6,200 total views Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (A) Deuteronomio 7, 6-11 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8 at 10 Pag-ibig mo’y walang hanggan

Read More »

Huwebes, Hunyo 11, 2026

 7,268 total views

 7,268 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

Miyerkules, Hunyo 10, 2026

 5,435 total views

 5,435 total views Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 18, 20-39 Salmo 15, 1-2a. 4. 5 at 8. 11 D’yos ko, ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top