Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,288 total reads

Kaliwa’t kanan ang mga alegasyon ngayon ng korupsyon sa ilang mga ahensya ng pamahalaan. Kapanalig, ito ay napalaking dagok lalo na sa mga kawani nito na dumaan ng maraming mga taon ng pagsasanay at pag-aaral upang iangat ang propesyonalismo sa public service.
Kapanalig, maraming mga bayani sa hanay ng gobyerno, at kadalasan, hindi sila ang mga pinuno. Ang mga public servants natin na tahimik na nagtatrabaho kahit pa walang credit o papuring tinatanggap ang siyang mga unang nagiging biktima ng korupsyon. Bumababa ang morale ng isang ahensya kapag lumalala ang korapsyon, morale na kay tagal at kayhirap nilang inaangat.
Maraming mga ahensya ng gobyerno ang dumaan sa malawakang reporma nitong mga nakaraang taon. Isa nga dito ang Civil Service Commision (CSC), ang ahensya na nangunguna sa pag-tataas ng kapasidad ng mga government employees. Ang mga reporma na ito ay masasayang kung lalawig pa ang insidente ng korupsyon. May mga ilang survey ang Asian Development Bank sa Asya na nagsasabi na ang korupsyon ay isa sa mga salik na humaharang sa economic development ng maraming mga bansa.
Ang ating bansa, kapanalig, ay rank 101 sa 175 na bansa sa Corruption Perceptions Index (CPI) nitong 2016. Pang 95 tayo noong 2015, habang noong 2014, pang 85 tayo. Unti unting bumaba ang ranking natin. Kailangan nating kumilos.
Ang patuloy na pagbaba nito ay may malaking epekto sa ekonomiya. Mababawasan ang mga mamumuhunan at maaring tumulak paalis sa mga natitira.
Mawawalan din tayo ng tiwala sa ating mga institusyon. Kung ang ating mga ahensya ay lipol ng mga mandarambong at mandaraya, saan pa tayo pupunta para sa mga regular na pampublikong serbisyo?
Nagiging kultura rin kapanalig, ang korupsyon. Kung kurap ang mga pinuno, tinuturuan din tayo nitong magkurap. Halimbawa, walang maglalangis kungdi tatanggap ng langis. Ang patuloy na paggawa nito ay nag-re-reinforce o nagpapatibay ng korupsyon dahil nagiging mutually beneficial ang mga kurap na transaksyon.
Kailangan nating iwaksi ang korapsyon sa lipunan. Malayo na sana ang ating narating. Tumaas na ang persepsyon ng international community sa patuloy na paglilinis ng korupsyon sa ating lipunan. Kung hahayaan nating lumaki pa ito uli, sayang ang ating nabubuong imahe.
Ang paglawig ng korupsyon ay paglawig din ng pagkasira ng dignidad ng tao. Halimbawa, habang kumukurap ang isang ahensya, bumababa din ang morale ng hanay nito, nawawalan ng kumpiyansa ito sa pagtugon at pagsulong sa kaganapan ng organisasyon. Ang taong unting nabubulok ng kurapsyon ay hindi rin tunay na buhay: hungkag ang kaligayahan, at hindi maabot ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Ang pagwaksi ng korapsyon ay pagkilala ng pagmamahal ng Diyos at ng kaharian ng Diyos sa ating buhay. Ayon nga sa Gaudium et Spes: We cannot live fully in the truth unless we freely acknowledge God’s love and entrust themselves to our Creator.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,604 total reads

 6,604 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,853 total reads

 41,853 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,337 total reads

 78,337 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,548 total reads

 96,548 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,527 total reads

 180,527 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,606 total reads

 6,606 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,855 total reads

 41,855 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,339 total reads

 78,339 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,550 total reads

 96,550 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top