Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 181,782 total reads

Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan. Accessible dapat ito sa lahat, lalo na sa mahihirap. Ito ang wika ni Pope Leo XIV noong Marso. Pero sa ating bansa, tila ang mayayaman lang ang may ganitong karapatan.

Ito ang masaklap na katotohanang naranasan ng pamilya ni Maria Lourdes Sulit. Isinugod sa ospital ang asawa niyang si Marvin dahil sa brain hematoma. Sa unang ospital na pinuntahan nila, ipinaalám sa kanila na ang emergency surgery ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang apat na milyong piso. Iminungkahi ng doktor na kung hindi nila kayang magbayad, maaari silang lumipat sa isa pang ospital kung saan mas mababa raw ang sisingilin sa kanila. Madaling araw noong nagtungo sila sa pangalawang ospital, kung saan ipinaalam sa kanila na kailangan muna nilang magbayad ng isang milyong piso bago gawin ang operasyon. Dahil wala silang ganoong kalaking pera, wala silang choice kundi hintayin na lang na mamatay si Marvin. Binawian siya ng buhay noong hatinggabi.

Habang nagluluksa, nagpunta sa billing section si Maria Lourdes para kumuha ng kopya ng hospital bill. Laking gulat niya na umabot sa ₱200,000 ang sinisingil sa kanya. Nagtungo siya sa PhilHealth sa pag-aakalang makatutulong itong bawasan ang kanilang bill. Sa kasamaang-palad, sinabi ng PhilHealth na hindi raw eligible para sa benepisyo ang kanyang pumanaw na asawa dahil hindi umabot ng 24 oras ang pagkaka-ospital niya. Ang masaklap pa, mahigit 25 taóng naghulog si Marvin ng kontribusyon niya sa PhilHealth. Malinaw na ipinagkait sa kanya ang benepisyong nararapat niyang matanggap mula sa programa.

Nangako ang pamunuan ng PhilHealth na iimbestigahan nito ang insidente at rerepasuhin ang nasabing 24-hour confinement rule. Makikipag-ugnayan din daw ang ahensya sa Department of Health para mapalakas ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10932 o ang Strengthened Anti-Hospital Deposit Law. Ipinagbabawal ng batas na ito ang paniningil ng deposito o advance payment bilang kondisyon sa pagbibigay ng isang ospital ng basic emergency care, confinement, o medical treatment sa mga pasyenteng may seryosong kaso o nae-emergency.

Bakit kinailangang singilin muna ng isang milyong piso ang pamilya ni Marvin bago isagawa ang isang operasyong makapagliligtas sa buhay niya? Ang mayayaman lang ba ang may karapatang makatanggap ng life-saving operation?

Hindi na bago ang ganitong uri ng pag-iwas sa batas ng ilang ospital gamit ang mga loopholes o butas nito, lalo na sa usaping insurance. May mga ospital na dinadaya ang sistema dahil kità ang prayoridad nila. May iba namang sinasamantala ang mga loopholes dahil nalulugi sila sa mga pagkukulang ng PhilHealth gaya ng mabagal na pagbayad nito ng utang sa mga ospital. Marami ring hospital claims ang hindi pumapasá sa PhilHealth requirements na naging mahigpit upang pigilan ang mga pekeng claims gaya ng mga ghost patients. Malalim ang ugat ng problemang ito sa ating healthcare system, pero hindi dapat nagdurusa ang mga ordinaryong pamilya sa mga kakulangan, kasakiman, o katiwalian sa sistema.

Anuman ang maging resulta ng imbestigasyon ng gobyerno, wala na sanang pamilya ang mapipilitang maghintay na lamang na mamatay ang kanilang mahal sa buhay dahil wala silang pambayad sa ospital.

Mga Kapanalig, ipinapaalala ng Roma 13:6-7 na tungkulin ng gobyernong magbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan, lalo na’t pinaghirapan natin ang buwis na ibinabayad sa kanila. Kaya naman, dapat lang “ibigay [ng gobyerno] sa bawat isa ang nararapat sa kanya.” Gaya ng panawagan ni Maria Lourdes, repasuhin sana ng PhilHealth ang mga patakaran nito at ibigay sa mga Pilipino, anuman ang antas nila sa buhay, ang benepisyong karapatan nilang makamit.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 114,794 total reads

 114,794 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,124 total reads

 148,124 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,268 total reads

 180,268 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,330 total reads

 246,330 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,227 total reads

 258,227 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 114,795 total reads

 114,795 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,125 total reads

 148,125 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,269 total reads

 180,269 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,331 total reads

 246,331 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top