Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Hulyo 6, 2026

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir

Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Mateo 9, 18-26

Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Maria Goretti, Virgin and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Masdan mo, siya’y muli kong susuyuin, dadalhin ko siya sa ilang, kakausapin nang buong giliw. At tutugon naman siya, tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya’y kunin ko sa lupain ng Egipto. At sa araw na yaon, ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi na ‘Aking Baal.’

Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel;
mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan,
sa matibay na pagmamahalan, at sa kaawaan.
Ikaw ay magiging tapat kong asawa
at makikilala mo ako, ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita;
sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,
aawitin nila ang kabutihan mo’t iyong kabaitan.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 18-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus, may dumating na isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harapan niya at ang sabi, “Kamamatay lang po ng aking anak na babae; ngunit sumama lamang kayo sa akin at ipatong ang inyong kamay sa kanya ay mabubuhay siya.” Tumindig si Hesus at sumama sa kanya, gayun din ang kanyang mga alagad.

Sumunod din ang isang babaing may labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit ito sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng kanyang damit. Sapagkat sinabi niya sa sarili, “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” Bumaling si Hesus at pagkakita sa kanya’y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananalig.” Noon di’y gumaling ang babae.

Nang dumating si Hesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakaingay. Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata; natutulog lang!” At siya’y pinagtawanan nila. Ngunit nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya, hinawakan sa kamay ang bata at ito’y nagbangon. At ang balita tungkol sa pangyayaring ito ay kumalat sa buong lupaing iyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 40,538 total views

 40,538 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 62,604 total views

 62,604 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 78,300 total views

 78,300 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 85,670 total views

 85,670 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 146,857 total views

 146,857 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 5, 2026

 1,729 total views

 1,729 total views Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Zacarias 9, 9-10 Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11. 13kd-14 Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang

Read More »

Sabado, Hulyo 4, 2026

 3,126 total views

 3,126 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing

Read More »

Biyernes, Hulyo 3, 2026

 4,392 total views

 4,392 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast

Read More »

Huwebes, Hulyo 2, 2026

 5,739 total views

 5,739 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng

Read More »

Miyerkules, Hulyo 1, 2026

 6,354 total views

 6,354 total views Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 5, 14-15. 21-24 Salmo 49, 7. 8-9. 10-11. 12-13. 16bk-17 Ang masunurin sa Diyos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top