Martes, Hulyo 7, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,524 total views

Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Oseas 8, 4-7. 11-13
Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Mateo 9, 32-38

Tuesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Oseas 8, 4-7. 11-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Humirang sila ng mga hari sa Israel ngunit hindi sa pamamagitan ko. Naglagay sila ng mga pinuno, ngunit di ayon sa aking kagustuhan. Ang kanilang mga alahas na ginto at pilak ay ginawa nilang mga diyus-diyusan, at ito ang kanilang sinamba. Itinatakwil ko ang guyang ginto ninyo, mga taga-Samaria. Nagpupuyos ang galit ko sa kanila. Kailan pa sila dapat parusahan? Ang diyus-diyusang iyan ay ginawa ng tao; hindi iyan Diyos. Kaya’t ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog.

Hangin ang kanilang inihasik at ipu-ipo ang aanihin nila.
Ang nakatayong mga trigo’y walang uhay,
kaya’t walang makukuhang harina.

“At kung magbunga man, iyon ay lalamunin lamang ng mga dayuhan.

Dahil sa pagpaparami ng mga dambana, naging daan iyon para dumami ang kasalanan ng Efraim. Sumulat man ako ng sampunlibong kautusan, ito’y pagtatawanan lamang nila. Mahilig silang maghandog; naghahain sila ng karne at kinakain nila ito. Ngunit hindi nalulugod sa kanila ang Panginoon. Gugunitain niya ang kanilang kalikuan, at parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan; sila’y magbabalik sa Egipto.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

o kaya: Aleluya.

Ang Diyos nami’y nasa langit, naroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsalita,
at hindi rin makakita, mga matang sadyang-sadya;
at hindi rin makarinig ang kanilang mga tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Totoo nga na mayroong kamay ngunit walang pakiramdam,
mga paa’y mayroon din ngunit hindi maihakbang.
Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,
sana ay makatulad din ng gayong diyos na gumawa.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Ikaw, bayan ng Israel, magtiwala sa Panginoon,
siya ang iyong sanggalang, laging handa na tumulong.
Kayong mga saserdote sa Diyos ay magtiwala,
kayo’y kanyang iingata’t ilalayo sa masama.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

ALELUYA
Juan 10, 14

Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 32-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dinala kay Hesus ang isang piping inaalihan ng demonyo. Pinalayas ni Hesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, “Kailanma’y walang nakitang katulad nito sa Israel!” Datapwat sinabi ng mga Pariseo, “Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”

Nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng pagkapari sa Bagong Tipan, idinudulot ng Diyos ang mapagpatawad na paglilingkod ng kanyang Anak sa atin. Lumapit tayo sa Panginoon ng ani at manalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, magpadala ka ng mga manggagawa sa Iyong anihan.

Ang mga tinatawag sa paglilingkod sa Bayan ng Diyos bilang mga pari, nawa’y dumami pa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang sarado sa Ebanghelyo nawa’y maihanda at maging mga matatabang lupa para sa paghahasik ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod na pari, madre, relihiyoso, katekista, at laykong aposotolado nawa’y makahikayat ng iba pa upang sumama sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga natatanging serbisyo sa ating sambayanan nawa’y mapalakas natin ang loob at ating suportahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mapagpatawad na sakripisyo ni Kristo nawa’y magdulot sa mga yumao ng kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng ani, sa pamamagitan ng aming mga panalangin, tipunin mo ang iyong bayan. Bigyan mo kami ng marami pang manggagawa sa iyong misyon upang mapadali ang pagdating ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 189,365 total views

 189,365 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 219,587 total views

 219,587 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 246,233 total views

 246,233 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 341,206 total views

 341,206 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 349,951 total views

 349,951 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 119 total views

 119 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 1,571 total views

 1,571 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 2,845 total views

 2,845 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 4,008 total views

 4,008 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

Linggo, Hulyo 12, 2026

 4,649 total views

 4,649 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 10-11 Salmo 64, 10abkd. 10e-11. 12-13. 14 Nagbunga nang masagana, binhi sa mabuting lupa. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top