Miyerkules, Hulyo 8, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,336 total views

Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Oseas 10, 1-3. 7-8. 12
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7

Hanapin ang Poon lagi,
sa harap n’ya manatili.

Mateo 10, 1-7

Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Oseas 10, 1-3. 7-8. 12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ang Israel ay tulad ng punong ubas na mayabong at hitik ng bunga. Habang dumarami ang kanyang bunga, dumarami naman ang itinatayo niyang dambana. Habang umuunlad ang kanyang lupain ay lalo nilang pinagpapala ang mga haliging sinasamba nila. Marumi ang kanilang puso; ngayo’y dapat nilang pagdusahan ang kanilang kasamaan. Wawasakin ng Panginoon ang kanilang mga dambana, at sisirain ang mga haliging sinasamba nila.

Di magtatagal at sasabihin nila: “Wala kaming hari sapagkat hindi kami natatakot sa Panginoon. At ano ang magagawa para sa amin ng isang hari?”

Ang hari ng Samaria’y mawawalang parang bula. Wawasakin ang mga dambana sa burol ng Aven na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel. Tutubuan ng mga tinik at dawagan ang kanilang mga dambana. Sasabihin nila sa kabundukan, “Takpan ninyo kami,” at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.”

“Maghasik kayo ng katuwiran, at mag-aani kayo ng pagpapala bunga ng katapatan ninyo sa akin. Bungkalin ninyo uli ang pinabayaang lupa, sapagkat panahon na upang hanapin ang Panginoon. Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng biyaya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7

Hanapin ang Poon lagi,
sa harap n’ya manatili.

o kaya: Aleluya.

Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.

Hanapin ang Poon lagi,
sa harap n’ya manatili.

Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala.

Hanapin ang Poon lagi,
sa harap n’ya manatili.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Hanapin ang Poon lagi,
sa harap n’ya manatili.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 1-7

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Hesus.

Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Bilang bayang tinawag ng Diyos sa iba’t ibang pamamaraan upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian, itaas natin sa Ama ang ating mga pangangailangan, siya na patuloy na nagmamalasakit sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tumatawag sa amin, panatilihin Mo kami.

Yaong mga tinawag sa Simbahan upang mamuno sa sambayanan ng Diyos nawa’y maging matapang sa pagpapahayag ng Ebanghelyo ni Jesu-Kristo saanmang bahagi ng daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahangad na makita ang Diyos nawa’y makatagpo ng kaliwanagan ng diwa at makatugon nang buong puso sa paanyaya ng Diyos na makapiling siya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y makilala ang tinig ni Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at kalakasan mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mamahinga sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, sa iyong pagtawag sa amin sa pang-araw-araw naming buhay, hayaan mong bigyan kami ng iyong Espiritu ng lakas upang bigkasin ang mga katagang: “Panginoon, narito ako, nakahandang sundin ang kalooban mo.” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 190,288 total views

 190,288 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 220,511 total views

 220,511 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 247,156 total views

 247,156 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 342,129 total views

 342,129 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 350,822 total views

 350,822 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 163 total views

 163 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 1,615 total views

 1,615 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 2,889 total views

 2,889 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 4,041 total views

 4,041 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

Linggo, Hulyo 12, 2026

 4,682 total views

 4,682 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 55, 10-11 Salmo 64, 10abkd. 10e-11. 12-13. 14 Nagbunga nang masagana, binhi sa mabuting lupa. Roma

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top