Speaker Dy, nanawagan ng pagbabalik sa mga pagpapahalagang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,009 total reads

Nanawagan si House Speaker Faustino Dy III sa mga Pilipino na muling isabuhay ang mga pangunahing pagpapahalagang Pilipino bilang susi sa mas matatag at maunlad na bansa.

Sa pagbubukas ng 2nd Regular Session ng 20th Congress, sinabi ni Speaker Dy na hindi lamang mga batas at programa ang kailangan upang umunlad ang bansa, kundi maging ang pagpapatibay ng malasakit, paggalang, pananampalataya, at bayanihan.

Ayon sa Speaker, nananatiling pinakamalaking lakas ng Pilipinas ang mabuting pagkatao at pagkakaisa ng mga mamamayan, kaya’t mahalagang mapanatili ang pagmamalasakit sa kapwa sa gitna ng iba’t ibang hamon.

“However, more importantly, for our country to really move forward, we must never lose sight of what has always been our greatest strength: our Filipino core values. Ito ang ating lakas, ang tunay na kayamanang dapat nating pangalagaan at ipagmalaki,” bahagi ng talumpati ni Dy.

Hinikayat din niya ang bawat Pilipino na huwag magsawang umunawa, tumulong, at magmahal sa bayan, kasabay ng panawagang patuloy na isabuhay ang diwa ng bayanihan.

Dagdag pa ng pinuno ng Kamara, “Ang pinakamalaking panganib po ay kapag hinayaan nating mawala ang ating mga pagpapahalaga at pagkalinga sa isa’t isa. When we stop caring for our fellow Filipino.”

Nanawagan si Speaker Dy sa mga magulang, guro, kabataan, manggagawa, negosyante, opisyal ng pamahalaan, at sa bawat mamamayan na gampanan ang kanilang tungkulin nang may katapatan, pananagutan, at malasakit.

Binigyang-diin niya na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa, at ang sama-samang pagkilos ang magiging pundasyon ng mas matatag na kinabukasan ng bansa.

“We are all accountable. To ourselves, and to each other. Ito po ang mga magandang halimbawa ng pagbabagong magsisimula sa ating lahat.

Mahigpit na proteksyon laban sa fake news at online threats

Isinusulong din ni Dy ang mas mahigpit na pangangalaga laban sa maling impormasyon at mapaminsalang nilalaman sa internet, kasabay ng panawagang maging mapanuri ang publiko sa paggamit ng social media.

Sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Speaker Dy na nananatiling prayoridad ng Kamara ang kaligtasan ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan, sa digital space.

Nagbabala rin ang lider ng Kamara sa lumalalang pagkalat ng fake news at disinformation na nagiging sanhi ng pagkalito, alitan, at pagkakahati-hati ng lipunan.

Ayon kay Speaker Dy, mahalagang pairalin ang katotohanan, tamang impormasyon, at bukas na pag-iisip upang mapanatiling matatag ang demokrasya.

“Huwag po sana nating hayaan na ang ingay ng social media ang humubog sa ating paniniwala. Pairalin natin ang katotohanan kaysa fake news, pag-unawa kaysa galit, at pagkakaisa kaysa pagkakahati-hati. Ang demokrasya po ay nananatiling matibay kapag ang mamamayan ay may sapat na kaalaman at bukas na pag-iisip.”bahagi ng talumpati ni Dy.

Kabilang sa mga panukalang isinulong ng Kamara ang Digital Media Anti-False Information Act, Child Online Safety and Protection Act of 2026, at ang Children’s Social Media Safety Act na naglalayong higpitan ang paggamit ng social media ng mga batang wala pang 13 taong gulang.

Umaasa rin ang pinuno ng kamara na maisama ang naturang panukala sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC upang mapabilis ang pagpasa nito sa Kongreso.

Ito ang unang taon ni Dy bilang speaker of the House matapos na ring magbitiw sa tungkulin si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez noong Sept. 17, 2025, dulot na rin ng kontrobersya sa flood control projects na inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 2025 State of the Nation Address.

Ang 2nd regular session ng 20th Congress, ay dinaluhan ng 289 kongresista mula sa kabuuang 318, kabilang ang 254 congressional district at 64 partylist members.

317 naman ang aktibong miyembro ng Kamara sa kasalukuyan makaraang ma-expelled si Cavite Rep. Francisco ‘Kiko’ Barzaga noong June, 2026 dahil sa ‘disorderly behavior.’

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,327 total reads

 10,327 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,718 total reads

 65,718 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,083 total reads

 151,083 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,820 total reads

 197,820 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,692 total reads

 245,692 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,419 total reads

 346,419 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top