Linggo, Agosto 9, 2026

SHARE THE TRUTH

 579 total views

Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

1 Hari 19, 9a. 11-13a
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Roma 9, 1-5
Mateo 14, 22-33

Nineteenth Sunday in Ordinary Time (A) (Green)

UNANG PAGBASA
1 Hari 19, 9a. 11-13a

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, si Elias ay sumapit sa Horeb na bundok ng Diyos. Pumasok siya sa isang yungib at doon nagpalipas ng gabi. Walang anu-ano’y nagsalita sa kanya ang Panginoon: “Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko.” Pagkasabi nito’y dumaan ang Panginoon at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin ang Panginoon. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol ang Panginoon. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat ang Panginoon. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.

Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang mukha at naghintay sa bunganga ng yungib.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 9, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, saksi ko si Kristo na katotohanan ang sinasabi ko; hindi ako nagsisinungaling. Saksi ko rin ang Espiritu Santo na malinis ang aking budhi sa sasabihin kong ito sa inyo: matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso tungkol sa aking mga kalahi at mga kababayan, anupat mamatamisin kong ako’y sumpain at mawalay kay Kristo, alang-alang sa kanila. Sila’y mga Israelita at itinuring ng Diyos na mga anak niya. Nakita nila ang maliwanag na tanda na nagpapakilalang siya’y kasama nila. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos; sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang mga pangako. Sila’y nagmula sa mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ang Kristo nang siya’y maging tao, Diyos na Kataas-taasan, na pinapupurihan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Salmo 129, 5

Aleluya! Aleluya!
Poon, ikaw ang pag-asa,
ang Salita mo’y ligaya,
pag-asa ko sa tuwina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 22-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad pinakasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Sinasabi sa atin ni Hesus: “Lakasan ninyo ang inyong loob, huwag matakot.” Buong pagtitiwala na ang Kanyang kamay ay laging nakaabot sa atin, tayo’y manalangin: Panginoon, dinggin Mo kami.

Panginoon, dinggin Mo kami.

Para sa Simbahan: nawa’y manatili Siyang matatag at nakaugat kay Kristo sa gitna ng mga pagsubok. Manalangin tayo.

Para sa mga pinuno ng bayan: nawa’y maglingkod sila nang may katapatan at magsikap para sa kabutihan ng lahat. Manalangin tayo.

Para sa ating parokya: nawa’y magmalasakit tayo sa isa’t isa, lalo na sa mga nahihirapan sa pinansyal at espiritwal na kalagayan. Manalangin tayo.

Para sa mga kabataan: nawa’y lumapit sila sa Panginoon sa oras ng takot, kahinaan, at pagdududa at magsabi, “Panginoon, iligtas Mo ako.” Manalangin tayo.

Panginoong Hesus, aming kanlungan sa bawat unos, pawiin Mo ang aming takot, patatagin ang aming pananampalataya, at tulungan Mo kaming kumapit lagi sa Iyong kamay na nagliligtas. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

QUALITY OF THE PRAYER

 6,614 total views

Gospel Reading for August 05, 2026 – Matthew 15: 21-28

QUALITY OF THE PRAYER

At that time Jesus withdrew to the region of Tyre and Sidon. And behold, a Canaanite woman of that district came and called out, “Have pity on me, Lord, Son of David! My daughter is tormented by a demon.” But he did not say a word in answer to her. His disciples came and asked him, “Send her away, for she keeps calling out after us.” He said in reply, “I was sent only to the lost sheep of the house of Israel.” But the woman came and did him homage, saying, “Lord, help me.” He said in reply, “It is not right to take the food of the children and throw it to the dogs.” She said, “Please, Lord, for even the dogs eat the scraps that fall from the table of their masters.” Then Jesus said to her in reply, “O woman, great is your faith! Let it be done for you as you wish.” And her daughter was healed from that hour.

————

The exchange between Jesus and the Canaanite woman is almost like a hearing in a court of law. The woman presents her petition before the Judge—in this case, Jesus—but she has no legal counsel and must plead her own case. Jesus raises objections, yet she responds with reasoned arguments. Her final plea is so compelling that Jesus grants her request.
When we reflect on Jesus’ words, “I was sent only to the lost sheep of the house of Israel” and “It is not right to take the food of the children and throw it to the dogs,” we may wonder: Why, then, did Jesus enter Gentile territory—a region inhabited by non-Israelites? Why was Jesus in what he himself referred to as the “dogs” territory? Could it be that he wanted to hear a Gentile herself express her faith in him and her desperate need for his mercy? Was he testing her response to the way the Israelites referred to Gentiles as “dogs”? Even the disciples were urging Jesus to send her away. Whatever his purpose, the woman succeeds in persuading him because her plea springs from profound faith and deep humility. Above all, what surely touched the heart of Jesus was her immense love for her daughter.

It is common to hear people say, “Please pray for me. Malakas ka kay Lord.” Yet, since we are all children of God, there is no such thing as “palakasan” with him. God does not play favorites. What matters is not that someone is supposedly malakas kay Lord, but the QUALITY OF THE PRAYER—a prayer offered with sincere faith, genuine humility, and complete trust in God’s love and mercy.

Lord Jesus, teach us to pray with profound faith and humility. Amen.

God’s boundless love and mercy

 6,876 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday in the Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II, 05 August 2026
Jeremiah 31:1-7     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Matthew 15:21-28
Photo by a friend in Washington, 28 July 2026.
Glory and praise 
to you O God our loving Father
with your boundless love
and mercy; your words today
are a beautiful reminder
of how wide is your love and
mercy: in the first reading,
Jeremiah continues to rally our
hopes of your coming redemption
and restoration of Israel
after its fall and conquest by
Assyrians due to their own sinfulness;
in the gospel, a Canaanite woman
who was both a foreigner 
and pagan considered like a "house-dog" 
among Jews persisted
in asking Jesus for the healing
of her daughter;
two stories about central
characters widely different
and divergent yet converged
in the mercy and love of God.

What a beautiful reminder
how our smallest cry in faith
is always heard by God
while our biggest sin
against him can still be forgiven
for as long as we are willing
to change our ways
and most of all,
be contented with scraps
in life.
Amen.
Photo by author, Carmel of the Holy Family Monastery, Guiguinto, Bulacan, January 2026.

Karapatan sa disenteng tahanan

 72,349 total views

Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa pag-unlad. Pero madalas, itinuturing ang bahay bilang produkto o instrumento ng pagpapayaman, kaya para sa libu-libong pamilya, ito ay nananatiling pangarap na mahirap abutin.

Noong ilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang 4PH o ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program noong 2022, nilayon nitong solusyunan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa at magkaroon ng “zero informal settler families” sa pamamagitan ng pagtatayô ng anim na milyong housing units. Noong 2024, ibinabâ sa 1.3 milyong units ang target ng 4PH. Sa ngayon, nasa 580,000 na units pa lang ang naitayo o napondohan ng gobyerno. Dalawang taon na lang ang natitira sa termino ng administrasyon ni PBBM, pero hindi pa ito nangangalahati sa panibagong housing target nito. Alang-alang sa ating mga kababayan, sana nga ay matupad ng administrasyon ang pangako nito.

Sa usapin naman ng homelessness o kawalan ng tirahan, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) ang Pag-Abot Program para tulungan ang mga pamilyang namumuhay sa mga lansangan. Layunin nitong tugunan ang mga batayang pangangailangan nila gaya ng pagkain, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at pansamantalang matutuluyan. Ayon sa Office of the President, nasa 20,000 na indibidwal ang naabot ng programa.

Ang usapin ng homelessness o kawalan ng tirahan ay isa sa pinakalantad na problema sa ating mga siyudad. Nakikita natin ito sa mga nakatira sa lansangan o pampublikong espasyo. Nakikita natin sila na may mga kariton at nakalatag na karton, sa mga bangketa at sa ilalim ng tulay. Pero sa kakulangan ng mga pag-uulat, pag-aaral, at pambansang plano upang tugunan ang isyu, hindi ito binibigyan ng sapat na atensyon. Hindi nga ito nabanggit sa SONA.

Ayon sa ating Simbahan, ang pagpapatuloy ng homelessless ay dapat bumabagabag sa konsensya ng pandaigdigang komunidad. Kailangang tugunan ang kawalan ng tirahan para makapagtaguyod ng tinatawag na sustainable cities kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang bawat tao na umunlad at mag-ambag sa kabutihang panlahat o common good. Deserve ng bawat tao na magkaroon ng lugar na matatawag niyang tahanan kung saan maaari siyang magtaguyod ng pamilya, magkaroon ng mga kaibigan, at maging bahagi ng kanyang komunidad. Ang pabahay ay hindi lang dapat tinitingnan bilang commodity o financial asset na pwedeng pagkakitaan; pundasyon ito ng lipunang naglilingkod para sa common good.

Ang disenteng pabahay ay isang karapatang pantao, at tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatang ito. Hindi sapat ang pagtatayo ng pisikal na istruktura at pagbibigay ng panandaliang tulong sa mga nangangailangan. Kailangang putulin ng pamahalaan ang ugat ng kawalan ng tirahan at ng kasiguruhan sa paninirahan. Dapat na ring matapos ang malalim at malawakang katiwalian sa pamahalaan kung saan bilyun-bilyong piso ang ninanakaw ng magkakasabwat na mga pulitiko, opisyal ng gobyerno, at negosyante. Ang kawalan ng disenteng pabahay ng libu-libong pamilya ay nakaugat din sa sistema ng ekonomiya at pag-unlad kung saan nasa kamay at bulsa ng iilan ang yamang dapat pinagsasaluhan ng lahat. Ito ang nangyayari kapag mga patakarang inuuna ang interes ng mga makapangyarihan at mayayaman ang umiiral.

Mga Kapanalig, ang pangangalaga sa karapatan sa disenteng tahanan ay responsabilidad ng pamahalaan. Pero bilang mga Katoliko, tungkulin din natin ang magbigay ng malasakit at pagkalinga sa ating kapwa, gaya ng paalala sa Isaias 58:7: “Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.” Kaya naman, huwag tayong tumigil sa paniningil sa mga iniluklok natin sa pamahalaan para itaguyod ang napakahalagang karapatan sa disenteng tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa disenteng tahanan

 72,350 total views

 72,350 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 104,057 total views

 104,057 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 136,076 total views

 136,076 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 288,133 total views

 288,133 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 309,288 total views

 309,288 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Agosto 8, 2026

 1,852 total views

 1,852 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 3,110 total views

 3,110 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 5,001 total views

 5,001 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

Miyerkules, Agosto 5, 2026

 5,413 total views

 5,413 total views Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa Roma Jeremias

Read More »

Martes, Agosto 4, 2026

 4,609 total views

 4,609 total views Paggunita kay San Juan Maria Vianney, pari Jeremias 30, 1-2. 12-15. 18-22 Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23 Panginoo’y mahahayag kapag Sion

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top