Patay na at walang records, naging recipients ng confidential funds ng OVP at DepED

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 896 total reads

Aabot sa 1,685 pangalan na ginamit bilang recipients ng confidential funds ang walang nakitang birth, marriage o death record sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Ito ang inilahad ni prosecution counsel Atty. Mae Divinagracia sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng ebidensiya sa Article I ng kaso.

Ayon sa prosecution, sinuri ng PSA ang 2,669 pangalan mula sa liquidation records ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education o DepEd para sa 2022 at 2023.

Sa bilang na ito, 1,685 pangalan ang walang nakitang katumbas na record sa PSA—kabilang ang 1,287 mula sa OVP at 398 mula sa DepEd, kabilang na ang pangalan ni Mary Grace Piattos.

Si PSA Assistant National Statistician Marizza Grande ang ikasampung testigo ng prosecution.

Sinimulan na niya ang pagpapaliwanag sa proseso ng PSA sa pag-verify ng mga pangalan at civil registry records.

Ayon kay Atty. Divinagracia, mayroon ding 37 pangalan na tumugma sa records ng mga taong patay na noong natanggap ang pondo.

Samantala, 25 pangalan naman ang tumugma sa records ng mga bata, kabilang ang tatlong wala pang tatlong taong gulang.

Ipinrisinta ng prosecution ang mga datos bilang bahagi ng pagkuwestiyon nito sa mga acknowledgment receipts na ginamit sa liquidation ng confidential funds.

Gayunman, kinuwestiyon ng depensa ang ilang bahagi ng testimonya ni Grande, lalo na ang mga konklusyon na iniuugnay sa mga dokumentong iprinisinta ng prosecution.

Sinabi naman ng prosecution na hindi kailangang iisang testigo lamang ang magpatunay sa lahat ng bahagi ng kanilang kaso at dapat tingnan ang testimonya ni Grande kasama ng iba pang ebidensiyang una nang naiharap sa pagdinig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 12,093 total reads

 12,093 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 232,711 total reads

 232,711 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 267,384 total reads

 267,384 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 283,284 total reads

 283,284 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 318,936 total reads

 318,936 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top