Halaga ng piso, hindi na maaring bumalik sa 60 kontra dolyar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,428 total reads

Nagbabala ang IBON Foundation na maaaring hindi na bumalik sa 60 hanggang 61-pesos ang palitan ng piso kontra dolyar bago matapos ang taon dahil sa kakulangan sa suplay ng dolyar ng bansa.

Ayon sa panayam sa programang Baranggay Simbayan ng Radyo Veritas kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, mahina pa rin ang paglikha ng dolyar mula sa agriculture at manufacturing, habang bumabagal din ang overseas remittances na kabilang sa pangunahing pinagkukunan ng foreign exchange ng Pilipinas.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni Africa na nahihirapan ang bansa na tugunan ang lumalaking pangangailangan sa dolyar para sa inaangkat na langis at pagbabayad ng utang sa ibang bansa.

Samantala, iginiit ng IBON na lumalaki rin ang bahagi ng kita ng pamahalaan na napupunta sa debt servicing, kasabay ng kakulangan sa pondo para sa mga pangunahing serbisyong panlipunan dahil ayon sa mga pag-aaral nina Africa, aabot sa 2.7-Trillion Pesos ang debt payments ng pamahalaan sa 2027, o katumbas ng humigit-kumulang 82 sentimos sa bawat pisong bagong uutangin.

“Well, yung utang naman ay parang sa isang pamilya, kung kulang yung kinikita para sa iyong gastusin, ang atrasan talaga yung pag-uutang. So unfortunately, hindi na sumasapat yung kinikita ng gobyerno. Lumalaki yung agwat sa kinikita ng gobyerno sa kanyang gastusin. So, kung yung ating kita hindi na sumasabay dun sa ating lumalaking gastusin, lalo na ngayon, kinukulang talaga basically yung kita ng gobyerno,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Africa.

Sinabi ni Africa na kinakailangang palakasin ang revenue generation ng pamahalaan, kabilang ang mas malaking kontribusyon mula sa malalaking kumpanya at mayayamang pamilya, at tiyaking napupunta ang pondo sa mga serbisyong higit na kailangan ng publiko.

Nanawagan din si Africa para sa pagsusuri at posibleng restructuring ng ilang utang ng bansa upang mabigyan ng mas malaking puwang ang pamahalaan na pondohan ang edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Ayon kay Africa, dapat maging prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan, kasabay ng responsableng pamamahala sa lumalaking utang ng bansa.

“Tsaka yung ngayon point namin, malaking bahagi ng 10.6 trillion na inutang, bumabalik sa bayad utang. Kung dumating sa punto na lumolobong utang, higit na lumalaki yung bumabalik sa bayad-utang sa halip na sa serbisyo, time out na yun. Medyo red flag na yun, di ba? Na medyo pumapaly tayo at pinaprioritize yung interest sa mga creditors,”
ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Africa.

Kaugnay nito, sa panawagan ni Pope Francis noon sa kaniyang ‘Bull of Indiction’ para sa Jubilee Year 2026 na pinamagatang Spes Non Confundit (“Hope Does Not Disappoint”), umapela si Pope Francis sa puso ng mga Lider ng ibat-ibang bansa ng ‘Forgiveness of Debt’ upang mabawasan o tuluyan ng mawala ang utang ng mga maliliit na bansa sa malalaking bansa at higit na maiwasan ang kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,084 total reads

 38,084 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,481 total reads

 88,481 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,352 total reads

 136,352 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,300 total reads

 240,300 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,441 total reads

 324,441 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top