1,142 total reads
Kinilala ng Catholic Relief Services o CRS Philippines ang mahalagang gampanin ng mga katutubong kababaihan at batang babae sa pangangalaga sa kanilang komunidad, kultura at kalikasan.
Ito ay kasabay ng unang paggunita ngayong taon sa International Day of Indigenous Women and Girls, na itinatag ng United Nations upang bigyang-pansin ang kanilang mga karapatan, katatagan at pamumuno.
“Their experiences and expertise in protecting ancestral domains, restoring nature, and cultivating culture allow CRS to facilitate meaningful and lasting change on the ground. Together, let us take a moment to reflect on the rights, resilience, and leadership of our Indigenous Women and Girls,” ayon sa mensahe ng CRS Philippines.
Binigyang-diin ng CRS ang malaking ambag ng mga katutubong kababaihan sa pamumuno ng kanilang mga komunidad at sa pagpapanatili ng kanilang kultura at kalikasan.
Mahalaga rin ayon sa CRS ang kanilang kaalaman sa pangangalaga ng mga lupang ninuno, pagpapanumbalik ng kalikasan at pagpapanatili ng mga tradisyon.
Hinimok ng CRS ang publiko na higit na kilalanin at igalang ang mga karapatan at ambag ng mga katutubong kababaihan at batang babae.
Tema ng unang paggunita sa International Day of Indigenous Women and Girls ang Indigenous Women and Girls: Rights, Resilience and Leadership.
Layunin nitong kilalanin ang mga katutubong kababaihan at batang babae bilang mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng kanilang mga komunidad at pangangalaga sa kalikasan.




