Holy Cross Parish sa Krus na Ligas, ipagdiriwang ang ika-13 anibersaryo ng pagkakatalaga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,843 total reads

Ipagdiriwang ng Holy Cross Parish sa Krus na Ligas, Quezon City ang ika-13 anibersaryo ng pagkakatalaga ng kanilang simbahan sa Setyembre 13, kasabay ng paghahanda para sa Kapistahan ng Exaltation of the Holy Cross o Triumph of the Cross sa Setyembre 14.

Ayon kay Nikkie Francisco, Parish Pastoral Council Secretary ng Holy Cross Parish, isasagawa mula Setyembre 11 hanggang 13 ang Triduum bilang paghahanda sa pagdiriwang.

Kabilang dito ang commissioning ng mga liturgical ministers, gaya ng mga lektor, altar servers, greeters at collectors, extraordinary ministers of Holy Communion at music ministers na sumailalim sa kinakailangang formation.

Ipinaliwanag ni Francisco na mahalagang bahagi ng buhay-parokya ang pagkakatalaga ng simbahan dahil dito pormal na kinikilala at iniaalay ang lugar bilang isang sagradong pook para sa pagsamba.

Bahagi ng ritwal ng dedication ang pagpapahid ng Banal na Krismang Langis sa altar at mga haligi ng simbahan.

Sa panayam kay Francisco sa programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, binigyang-diin din niya ang makasaysayang pinagmulan ng Krus na Ligas, na naging kanlungan ng mga Katipunero at ni Andres Bonifacio.

Naging ganap na parokya ang Holy Cross Parish noong Pebrero 10, 1998, habang kinilala bilang simbahan noong 2013 sa panahon ni Father Ron Roberto.

Kaugnay ng anibersaryo, naghanda rin ang parokya ng iba’t ibang community activities, kabilang ang prusisyon sa mismong araw ng kapistahan, salu-salo ng mga parishioner at mga gawaing magbabalik-tanaw sa kasaysayan ng Krus na Ligas.

Patuloy din ang pakikibahagi ng Parish Youth Ministry sa mga programa ng parokya, vicariate at Diyosesis, kabilang ang mga youth activities at paghahanda para sa Marian Exhibit na magsisimula sa Setyembre 15 sa pangunguna ng Legion of Mary, katuwang ang Parish Youth Ministry.

Binigyang-diin ni Francisco na bagama’t maaaring ipagdiwang ang Banal na Misa sa mga kapilyang hindi pa naitalaga, mas nararapat para sa isang parokya na pormal na italaga ang simbahan bilang sagradong lugar.

Inaanyayahan naman niya ang mga mananampalataya mula sa Krus na Ligas at mga kalapit na lugar at parokya na makiisa sa Triduum mula Setyembre 11 hanggang 13 at sa Feast of the Exaltation of the Holy Cross sa Setyembre 14.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,165 total reads

 72,165 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,116 total reads

 120,116 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 167,987 total reads

 167,987 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 271,934 total reads

 271,934 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 354,652 total reads

 354,652 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top