Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 357,732 total reads

Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag…

Paanong hindi magiging matatag tayong mga Pilipino, 19 hanggang 20-tropical cyclones ang namiminsala sa Pilipinas kada taon. Ginupo at pinadapa tayo ni Super typhoon Yolanda., nang bagyong Ondoy, nang malalakas na lindol., matinding pagbaha., ngunit, mabilis tayong nakakabangon. Maaring dahilan, ang likas na pagiging matulungin sa kapwa at matibay na pananampalataya sa panginoon ang nagbibigay sa atin ng lakas na tumayo at lumaban upang mabuhay.

Ngunit tila bagang, sinusubukan ang pagiging “resilient”, dahil sa lumalalang climate crisis, nahaharap tayong mga Pilipino sa matinding hamon dulot ng tinaguriang 2026-2027 Godzilla super El Niño na sinasabing pinakamatindi sa nakalipas na 1,000-taon.

Sinasabi ng mga weather specialist na ang Pacific ocean ang nagdi-determina kung magiging maulan at tuyot ang lagay ng panahon sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang Indian ocean ang nagdidikta sa lakas at kailan tatama ang 2-weather extremes.

Base sa Philippine rainfall crisis sa sinasabing 2026-2027 super El Niño at Indian Ocean variability, mangyayari ito sa dalawang yugto: Matinding pagbaha sa gitna ng negative Indian Ocean Dipole (IOD) mula Hulyo hanggang September 2026, susundan nang mabilis na yugto ng tagtuyot (drought) mula October 2026 hanggang May 2027.

Ayon sa mga eksperto, ang El Niño-Southern Oscillation (ENSO) ay itinuturing na pangunahing nagtutulak ng rainfall variability., Sinasabi naman sa isang “hydrological research” na ang Philippine rainfall binubuo ng magkasamang ENSO, Indian Ocean Basin Wide (IOBW) warming at Indian Ocean Dipole Mode (IODM).

Sa research ni Dr. Glenn Tabios III ng University of the Philippines, base sa datos mula 1980 at 2022, lumalabas na pinapahina ng IOBW warming ang southwest monsoon, o Habagat, mula Hunyo hanggang Agosto habang ang IODM ay lumalakas mula September hanggang November, isang kritikal na panahon ng anihan at dam replenishment.

Nakakabahala ang delubyong ito Kapanalig, hindi pa tumatama ang super El Niño, 72-milyong Pilipino o 52-percent ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap noong March 2026. Ito ay base sa poverty incidence report ng Philippine Statistic Authority.

Ang tanong, tayo ba ay nakahanda? Nakahanda ba ang pamahalaan sa napipintong trahedya dulot ng super El Nino?
Kapanalig, upang matugunan ang hamon ng tagtuyot, nangangailangan ito ng nagkakaisa., nagtutulungan na mga Pilipino. Buhayin ang diwa ng “bayanihan”. Patatagin ang ating pananampalataya.

Kapanalig, sinasabi ng ISAIAH 41:10- “Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 13,295 total reads

 13,295 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 98,700 total reads

 98,700 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 162,543 total reads

 162,543 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 251,051 total reads

 251,051 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 333,503 total reads

 333,503 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Special treatment?

 13,297 total reads

 13,297 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 98,702 total reads

 98,702 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 162,545 total reads

 162,545 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 251,053 total reads

 251,053 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »
Scroll to Top